Nakakatuwa dahil ngayon ko lang nalaman na pwede palang iisang resibo lang yung transaction. Kaya, pagkatapos i-punch ang mga item at nai-total, binawas lang yung 2300 points ( na katumbas din ay P2,300 ) na niredeem ko tapos sunod naman yung sa Puhunan Plus. Sa kabuuan, P124.00 lang ang binayaran ko. Malaking tulong din ang points na na-a-accumulate sa pamimili mo. Inipon ko siya dahil balak ko sanang ibili ng bagong cumputer table pero mas pinili kong idagdag na lang ito sa paninda ko para tumubo at maipaikot ko pa. Pwede mo rin siyang ipambili ng Globe load lalo sa mga retailer, paano? Punta ka lang sa post kong ito > > Buy Globe AutoloadMax using Puregold Aling Puring Points < < At dahil pwede mo siyang ipambayad sa pinamili mo, pwede mo siyang ipamili ng ireregalo mo sa darating na Pasko o kaya ay ipanghanda.
Kung ikaw ay bagong Aling Puring member at first time mag redeem ng iyong points, ang redemption ay sa mismong counter na. Sabihin mo lang sa cashier na ireredeem mo ang load at gagamiting pambayad. Tip ko lang din, kung kapos ka sa budget at points ang gagamitin mong pambayad ay magtanong muna sa cashier or Aling Puring booth para sigurado. Minsan kasi sira ang system nila, na-experience ko na kasi yan kaya para hindi maabala, huwag mahiyang magtanong.
Godbless mga bes!
No comments:
Post a Comment