Puregold's National Hakot Day! | May pa-hakot si mayor! - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Tuesday, December 12, 2017

Puregold's National Hakot Day! | May pa-hakot si mayor!

Kabi-kabila ngayon ang mga pa-promo at anik-anik na pakulo dahil sa mahiwagang numerong 12/12 o December 12.

Tulad na lamang ng Puregold na may 'National Hakot Day', ( may pahakot si mayor! ) at literal ngang naghakot yung ibang mamimili. Sino ba naman ang hindi maghahakot kung marami kang pambili? Kapag bumili ka kasi ng 12pcs ng isang item ay may 1pc kang FREE! Sulit di ba? Siyempre di ito pinalagpas ng lola mo, mabuti na lang at kapakner ko ang Fuse > > Puhunan Plus < < ko. Kahit paano ay nakapamili at naka-avail din ako ng  mga freebies nila. Dagdag points pa ito sa aking Aling Puring card. Kahit hindi ka Aling Puring o Perks member ay pasok ka dito.


Inuna muna namin ang alak dahil siguradong mabilis itong mauubos. Malaking bagay din kasi yung makalibre ka ng isang bote nito tutal ay 1 dozen din ang bibilhin namin. Sinabay na din namin ang ilang paninda katulad ng Milo na pambenta at pang personal na konsumo namin. Kahit paisa-isa yung malibre ay dagdag kita parin ito para sa mga retailers.




Infairness, yung presyo naman ay sakto lang at di nagmahal. May iba kasing mga promo kagaya ng mga Sale daw pero hindi naman talaga. Kung hindi mo alam yung dating presyo nun ay talagang mabubulag ka sa savings kuno.


Walang problema sa pamimili dahil wala pang tanghali ay lumarga na kami ni jowadik. Dapat sa mga ganitong mga kaganapan ay early bird ka para di ka maubusan. Gaya nalang ng ibang lagayan na limas talaga ang laman.


Tapos, pagdating mo pa sa counter eh mahaba ang pila bes ! ( naniniwala na ako sa forever ) Paano ba naman, may ibang customer na 4 pataas ang push cart. Ano pa nga bang i-eexpect ko, dahil literal na hakot nga. Ang saya din nung feeling na maraming namimili, nakakadagdag siya ng excitement. Sayang nga dahil 1 day lang promo na ito ng Puregold, sana may part two ang kanilang hakot day.

No comments:

Post a Comment