Tips Para Hindi Mabiktima ng Pekeng Pera - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Tuesday, November 28, 2017

Tips Para Hindi Mabiktima ng Pekeng Pera

Mga bes kong retailers,

ilang tulog nalang at Disyembre na! Ang pinaka-masayang buwan ng taon. Ito ang panahon kung saan abala ang mga tao sa pagbili ng kung anu-ano, mapa regalo, dekorasyon at iba pa. Ganun din naman kaabala yung mga masasamang loob tulad ng magnanakaw, mananalisi at kung anu-anong mga gang. Usong-uso din ang mga namemeke ng pera o yung mga counterfeit kaya dapat maging mapanuri sa mga ibinabayad at mga sinusukli natin. Ito ang ilang mga tips ng pulisya para hindi tayo mabiktima ng mga pekeng pera lalo na ngayong darating na kapaskuhan.




1. Makinis ang pekeng pera. Mahirap kopyahin ang tunay na pera dahil ito ay gawa sa 80% ng wood pulp at 20% naman ng abacca.

2. Mararamdaman mo dapat ang mga letra ng Republika ng Pilipinas kapag hinipo mo ito.



3. Ang serial number ay matingkad ang kulay at palaki ang numero.


4. May red at blue fibers ang papel.



5. May watermarks or shadow image ng bayani sa gilid ng pera.



6. May see-through ng salitang Pilipino sa alpabetong baybayin.



7. May concealed value sa kaliwang bahagi kapag tinagilid ang papel.



8. Ang security thread ay dapat nagpapalit ng kulay mula red sa green.


9 Makikita dapat ang blue naped parrot at logo ng BSP



10. Malaking tulong din kung may ultra violet light ( UV Light ) device para makita ang mga security fibers gaya ng nasa video sa taas.


Ang mga tips na yan ay makakatulong hindi lang sa mga nagtitinda kundi pati na rin sa mga mamimili. Napakahirap kumita ngayon at kung magogoyo lamang tayo ay malaking bagay ito. Kaya mabuting suriin at sundin ang ilang mga tips na ito sa bawat salaping dumadaan sa ating kamay dahil hindi lang pagiging biktima ang pwede nating kahantungan. Pwede ka rin makasuhan dahil sa ilalim ng ating batas ang sinumang mahuhuling may hawak ng pekeng pera ay makakasuhan.


Images and news credits to ABS-CBN Bandila

No comments:

Post a Comment