Buy Globe AutoloadMax using Puregold Aling Puring Points - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Friday, July 29, 2016

Buy Globe AutoloadMax using Puregold Aling Puring Points

Ayon sa aking nakaraang post na Puregold Aling Puring Points was on Receipts, na-mo-monitor ko na sa wakas ang points ko sa tuwing mamimili sa Puregold. Masaya akong nakikita itong nadadagdagan at lumalaki dahil na rin sa madalas kong pamimili sa kanila ngayong taon. Sa katunayan, kanina lamang ay nag-redeem ako ng 1,000 points mula sa 1,250 na na-accumulate ko na kada 1 point ay katumbas ay Php1.00!

Kaya nakakuha ako ng halagang Php1,000 na pwede kong magamit pambayad ng mga pinamili ko. Ginamit ko itong pambayad para sa aking AutoloadMax na pinangloload ko sa aking mga suki. Kung ikaw ay isang Aling Puring (TNAP) member, makakatanggap ka agad ng libreng Globe Autoload retailer sim pagka-apply mo palang. Kadalasan, kailangan ko pang pumunta sa Aling Puring booth para magredeem ng points dahil kailangan pa nilang i-print out ang certificate. Kaya, pwede pa akong mamili habang hinihintay ang proseso nito at binabalikan ko na lang kapag magbabayad na.



Noon, kailangan mo pang magpresenta ng 1 valid ID para sa verification. Ngayon, kailangan mo na lang sabihin sa cashier na i-reredeem mo ang points mo kahit wala ng id pa. Nasubukan ko kasi itong itanong at saktong ok lang naman daw. Siguro hindi na rin kailangan dahil sa bago nilang TNAP membership card na may kasama ng picture mo ng card holder na dati ay ordinaryong plastic card lang. Salamat sa bagong sistemang ito ng Puregold, nakakakuha na ako ng points kada mamimili at pwede po ko pa itong ipambili sa kanila ng load na pwedeng ibenta. Dagdag kita di ba? LIBRE pa!



No comments:

Post a Comment