PLDT Fibr Unli Plan 1299 | Free Installation + Modem + Speedboost - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Wednesday, December 13, 2017

PLDT Fibr Unli Plan 1299 | Free Installation + Modem + Speedboost

Nakatanggap ako ng tawag kaninang umaga mula sa isang customer representative ni PLDT.

Masaya nitong ibinalita na Fibr capable na ang lugar namin. Pagkasabi pa lang nito sa akin ay nahihita ko ng may i-ooffer nanaman sa akin na siguradong hindi ako makakatugon dahil alam kong dagdag nanaman ito sa aking monthly bill. Kaka-dagdag ko palang ng PLDT FAM Cam sa aking Home DSL kaya't malabong mapabigkas ako nito ng 'OO'. Kaya lang, nang sabihin niyang i-uupgrade ang Home DSL ko to Fibr for FREE siyempre napaisip ako. ( haha ) Hindi lang yan, pati yung modem at installation ay FREE din. Sino ba naman ako para tumanggi? ( haha ) Ito ay libreng upgrade ng Unlimited Fibr connection for 1299 per month at may 20mbps speed boost daw for 3 months for FREE. Pagkatapos ay balik 3mbps na siya after 3 months. Hindi na masama di ba.

Hindi ko sure kung ang promong ito ay exclusive sa mga mag rerenew ng contract o sa mga existing Home DSL subscriber dahil nung magcheck ako sa website nila ay discounted lang ang installation at yung modem.



At may bagong update nanaman si PLDT, mukhang for existing PLDT user na ang promong ito, nakita ko sa website nila ngayon ( 12/20/2017) > > https://myshop.pldthome.com/homeupgrades/main < <


Ang promong ito naka-locked for 36 months so parang naging renewal ito para sa akin. Mag 2 years na din ako kaya matatapos na ang contract ko sa kanila. Ano pa nga ba ang tugon ko kundi 'go na'. Mabilis lang din ang transaction, kaunting verification lang at hiningi lang yung ID number sa akin at ok na, tulad ng pag apply ko noon sa FAM Cam. Maghintay na lang daw ako ng 2-3 weeks para sa schedule ng installation. Mukhang talagang ini-improve na nila ang kanilang serbisyo. Nawa ay ipagpatuloy nila ito at hindi hanggang promo lang. Kaya din ako napalipat sa PLDT dahil nakakaengganyo din talaga ang kung anik-anik nilang mga promos.

*I-uupdate ko ito kapag naka-Fibr na ako bes. :)

-----------------------------------------------------------------

Ito na nga ang nakakalokang UPDATE mga bes!

Dahil naging busy ako sa mga anik-anik sa bahay at sa tindahan ay hindi ako agad nakapag-update dito. Hind ako sure kung kailan ako tumawag sa kanila pero ang tanda ko ay mga February na iyon. Sa awa ng PLDT saken, HINDI rin AKO NA-UPGRADE to Fiber!. Kung hindi pa ako nakatawag sa kanila para mag-follow up ay hindi ko malalamang puno na daw yung slot or box ba yun dito sa amin. So parang hinokage lang ako para ma-renew at mema-sabi silang inoffer sa akin. Siyempre dahil sa matatamis na mga salita, ayun naniwala ang lola niyo.

Anyways, nakakainis lang dahil pinasabik nila ako pero wala naman akong choice. Kailangan ko rin naman ng internet dahil may online job din kasi ako at naging ok naman ang serbisyo nila. Pero umaasa parin ako na sana madagdagan o ma-upgrade parin yung account ko, sayang din yun. So, lesson learned. Huwag ibigay ang tiwala agad para hindi ka Ma-Fall! ( sa bitag haha joke lang, hugot pa more. )

Godbless mga bes!

No comments:

Post a Comment