How to Update Your Smart Retailer Sim via SMS - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Friday, March 17, 2017

How to Update Your Smart Retailer Sim via SMS

Kamusta naman Smart Retailer Menu mo? Naupdate mo na ba ito bes?

Kung hindi pa ang sagot mo eh aba, update-update din pag may time. Ano bang mapapala mo sa pag update ng retailer menu?
Simple lang, para ma-receive mo ang mga update na mga sub-menus sa iyong retailer sim. Ikaw din, baka may ipaload si suki sa iyo tapos hindi mo ma-iload. Sayang din di ba? Para updated ka sa mga pakulo ni Smart na mga load packages eh ano pang hinihintay mo.


I-type mo lang sa iyong Message ang mga Keyword ng Menu na gusto mong maidagdag at isend sa 343

128k sim ang pinakabago nilang retailer sim kaya kung alam mo namang dati pa ang sim mo ay hindi ito para sa iyo.


(Applicable to 128k sims only)

GETREG - Regular Load Menu

GETPREPAID - Smart Prepaid Menu

GETTNT - Talk n Text Menu

GETBRO - Smart Bro Menu

GETMERALCO - Meralco Menu (Kuryente Load)

ENT - Entertainment Menu (Garena Shells)

GETKAPARTNER - Ka Partner Rewards Menu

NEW SLOAD - Buy Smartload (via Smart Money)




(Applicable to 64k sims and below)

PULL MENU - Buddy Load / TNT Load


SMS via 3443
CIGNAL - Cignal Load Menu


SMS via 9992
RED - Red Mobile Menu


SMS via 2200
GET BRO - (old Smart Bro Menu)


SMS via 9888
GET MENU - Customer Support Menu (for 128k sim only)


Dahil jurassic era pa ang simcard ko ginamit ko ang PULL MENU sa pag-update ng menu ko dati. Nabasa ko lang din po ito at credit sa original poster.


Saglit lang naman ang pag-update kaya paalala, huwag munang gumawa ng outgoing transaction gaya ng pagtext, tawag etc. Mas mainam kung pati incoming din. Maaari kasi itong makaapekto sa pag-update mo. Huwag na huwag mo din balakin na patayin ang cellphone mo bes kasi OTA o Over The Air ang pag-update. Magcharge ka na kung feeling mo ay hindi na carry ng battery mo para sureball na walang aberya. Makakareceive ka ng message on screen na ina-update ang menu mo at text message din kapag ok sa alright na ito.

Paunawa kong muli, ang mga keywords na ito ay para sa Traditional Smart Retailers lang. Hindi po ito applicable sa mga universal retailer gaya ng vmobile, loadcentral, etc.

Magtulungan po tayo para sa kapakanan ng lahat ng mga bes nating retailers. Pakipost or paki-comment po kung working pa ang mga keywords para ma-update ko din yung mga hindi naman gumagana. Maraming sa kooperasyon bes! Pupusuan na kita!

2 comments:

  1. i tried upgrading my old sim gamit ang PULL MENU. sinunod ko lahat ng instructions. wala namang nangyari na upgrade and worse, nasira na ang smarload menu ko, pag nag enter ako ng number ang reply ay "ERROR: 21" pls help...

    ReplyDelete
    Replies
    1. bago ka po ba nag-update using PULL MENU ay nagagamit mo yung retailer mo sis like loading transactions? Iyang format kasi na yan ang ginamit ko dati sa sim ko at ok naman. Try mo po magcall sa smart retailer hotline gamit ang ibang number kung hindi po ma-access sa retailer mo sis.

      Delete