My First Time on Zalora - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Sunday, March 12, 2017

My First Time on Zalora


Kamusta mga bes, isa ka ba sa mga mahilig sa online shopping? Kung ako ang tatanungin ay hindi ko talaga gusto ang ganitong option. Bukod kasi sa hindi mo makikita ng personal yung bagay na bibilhin mo ay pwede ka pang magoyo ng mga naglipanang manloloko sa internet ngayon. Kamakailan lang ay naglakas loob akong sumubok nito, napaka-tempting kasi ng produkto na ito at sobrang napukaw talaga nito ang aking mga mata. Gusto ko sanang mamili sa mall ng jacket na magagamit ko lalo na sa panahon ng Disyembre na talaga namang kahit umaga na ay dama mo parin ang malamig na hangin. Kaya, nung makita ko ito parang nakita ko ang Forever ko, haha hindi 21 ah. Nagandahan ako sa design niya at balak ko ngang magregalo ng ganito para naman sa asawa ko.

Sa ilang pindot lang sa aking cellphone, heto at hihintayin ko na lamang dumating sa akin ang jacket na inorder ko mula sa Zalora. Simple lang website nila at detalyado kaya madali mo rin namang mahahanap ang gusto mo.  Abala na rin kasi ako sa aming tindahan at sa aking online job na pang extra income kaya pakiramdam ko ay wala na akong oras pang bumili at makipagsabayan sa maraming tao sa mall kaya buti na lang at may ganitong paraan. Mabilis lang din ang transaction nila, November 29 ako nag-sign up ng account at nag order at December 1 ay natanggap ko na ito. Ang isa pa sa nagustuhan ko sa Zalora bukod sa Php300 discount as a welcome gift nung nag sign up ako ay pwede ang COD, kaya kahit wala ka mang credit card kagaya ko ay pwede kang makapag order sa kanila.


Maayos ang packaging nila at talagang selyado. Ayos na ayos ang item gaya ng inaasahan ko. What you see, is what you get. Marami ang mga kuhang larawan ng partikular na produkto kaya kahit paano ay may napagbasehan ako sa pagpili at pagbili. Nakakatuwang naka-save ako ng oras at panahon kaya sa malamang ay mapabili pa ako sa susunod!

Ikaw bes, anong Zalora experience mo..? Kwento mo naman :) Comment ka sa box ko dali.. Timer starts now! ^_^

No comments:

Post a Comment