May mga nagsasabing natupad talaga ang kanilang mga panalangin at hiniling nang makumpleto nila ito.
Image credits to leneya.files.wordpress.com
Hindi natinag ng ulan ang pananampalataya ng maraming Pilipino sa pagdalo sa Simbang gabi kahapon sa isinagawang misa sa St. Francis church sa Baclaran. Ipinakita lang ng mga Pinoy kung gaano nila pinahahalagahan ang kanilang pananampalataya. Nakakatuwang makita na alas-dos palang ng madaling araw ay makikita mo ng may mga naglalakad para pumunta sa simbahan. Isang perpektong paraan para simulan ang iyong araw na marinig ang salita ng Panginoon. Nakakalungkot nga lang na may ilang mga teenager na nagagalak hindi dahil sa misa kundi nagiging oprtunidad ito para sa kanila sa pakikipagligawan. Excited silang makakita ng magaganda o makasama ang mga nililigawan nila o kaya naman ay makapagpa-cute sa mga crush nila. Tinawag pa nga itong Simbang Tabi ng karamihan. Isang pari ang nagpaalalang ang mag-asawang sabay na nagtutungo at nagsisimba ay isang magandang halimbawa na ginagawa nilang sentro ng kanilang pag-iibigan ang Panginoon, huwag lamang kalimutan na unahin muna ang Panginoon bago ang panliligaw.
Ang simbang gabi din ay isang magandang pagkakataon at opurtunidad sa mga nagnanais magtayo ng maliit na negosyo. Bukod sa kumukuti-kutitap na mga pailaw at masayang paligid sa simbahan ay nandyan din ang mga nagtitinda ng bibingka at puto bungbong.
Iyan ang isa mga gusto kong pagkain tuwing kapaskuhan. Isang masarap na pagkain na gawa sa rice flour at niyog na may itlog sa ibabaw. Nakakadagdag pa ang aroma ng balat ng saging para mas maging katakam-takam ito. Naaalala ko pa na ganitong panahon kami nagsaimulang buksan ang aming munting tindahan sa loob ng 24 oras dahil na rin sa kahilingan ng aming mga suki. Tumatawag kasi sa labas at kung minsan ay nakatok pa kapag sarado kami. Kay ayun, magdamag kami nagbubukas at nakatulong din naman ito sa aming tindahan. Ok din ang panahong ito para sa mga mahilig magluto ng mga pang almusal katulad ng sopas at champorado. Pamatid gutom sa mga kumakalam na mga sikmura bago pumunta sa simbahan o kaya pagkatapos ng misa.
No comments:
Post a Comment