Kamusta mga beshies, excited nanaman akong i-share sa inyo ang GCash GCredit experence ko. Last February 24, nakatanggap nanaman ako ng message mula sa GCredit na nag increased ulit ang aking credit limit. Yes beshy, ulit dahil pangalawang beses na akong nakatanggap ng increase sa kanila. Mula sa starting balance ko n P2,000 credit limit ay nadagdagan ako ng P1,000 last October 2019. Heto, sa kakagamit ko ng GCash ng madalas sa aking mga payment transactions nadagdagan nanaman. Maliit talaga kung tutuusin pero gaya nga ng sinabi ko sa aking previous blog na How to Increase Your GCash GCredit Limit, malaking bagay na ito sa tulad kong walang masyadong ek ek na credentials. Interested? click mo lang yung link o i-click mo lang ito. Ibinahagi ko din diyan yung mga ginawa ko para madagdagan ang credit limit ko.
So, anong ginawa ko pagkatapos kong makatanggap ng increased ng credit? Siyempre ipinambayad ko agad ito sa credit ko din na bill ng tubig namin. Last few weeks ay pansamantalang hindi available ang GCredit sa pagbabayad ng mga bills. Buti na nga lang at naihabol kong bayaran yung tubig namin gamit ang GCredit bago ito naging unavailable. Kaya nung natanggap ko yung increased ko ibinayad ko na agad tapos binayaran ko na din yung latest na bill ulit ng tubig. Savior talaga ang GCredit ko lalo sa mga bayaran, kasi bukod sa nagagamit ko siyang pambayad ay na-e-extend pa nito yung pagkakataon para makadelehensya ako ng pera haha. Kapag kasi malapit na yung due date ako nagbabayad. Tapos gamit ang GCredit nagkakaron ako ng 1 month na palugit para mabayaran naman yung GCredit ko. May interest man siya pero mababa lang kaya sulit.
Ito yung previous bill na nabayaran ko using GCreditI
Madami pa akong experience sa pag gamit ko ng GCash, kung saan pa ito magagamit bukod sa pagbayad ng tubig kaya kung interesado ka pang malaman just CLICK HERE!
Kaya nga sa utility bills ko at pang load sa cellphone, GCash ang ginagamit ko madalas kasi madali na gamitin ang dami pang feature at siyempre paborito ko diyan yung GCredit haha. Sabi nga nila i-GCash mo na yan!
Godbless mga beshies!
No comments:
Post a Comment