How to Increase Your GCash GCredit Limit - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Sunday, October 06, 2019

How to Increase Your GCash GCredit Limit

Hello mga bes kong retailer, kamusta na ba ang GCash GCredit mo? Nadagdagan na ba ang credit limit mo? Wait baka first time mo sa blog ko kaya briefing muna kita kung ano yung sinasabi kong GCash GCredit. Malamang ay pamilyar ka na sa GCash pero kung di mo pa ito alam bes ay napag-iiwanan ka na hehe.. Kaya ito, sabay ka sa akin or sa amin na mga GCash user. Ang GCash ay yung application ng Globe na pwede kang makapagperform ng cash in, withdrawal, pagbabayad ng bills, makabili or makapagsend ng load, pwede din pang top-up ng iyong mga favorite games at kung anu-ano pang anik na mga transaction in just one app na downloadable sa smartphone mo. Sa lagi mong pag-gamit ng GCash application sa mga nasabing transactions ay maaari kang ma-grant sa mas marami pang feature ng GCash katulad ng pinaka paborito kong GCredit.

So, sa pangalan palang ng GCredit nakakabit na yung word na credit. Utang, loan, jutangbels o kahit anong tawag mo. Oo bes para siyang credit card or tulad ng mga naglipanang loan apps ngayon sa appstore. Ang kagandahan lang dito ay di mo kailangan ng kung anik anik na mga credentials gaya ng mga bank accounts o yung mga employment churvah ek ek. Nakabase kasi yung ibibigay na credit limit sa kung gaano mo kadalas gamitin ang GCash mo. Kaya nga kahit ako na simpleng tindera na wala namang pinakatago tagong ipon sa bangko ay na-approve dito. Pwede kang ma-approve up to Php30,000. Na-approve ako na Php2,000 ang starting balance. >>PAANO MA-APPROVE SA GCASH GCREDIT?? Pwede ba siya mag increase? So ayan nga yung topic ko, dahil nitong October 1 ay nadagdagan ako ng Php1,000 sa aking GCredit limit.







Maliit kung tutuusin pero napakalaking tulong nito lalo pag iyakan portion na ang bulsa ko at kinulang sa pambayad ng utility bills. Kung ikaw yung tipo na nangangailangan ng loan agad agad at di naman gumagamit ng GCash ay naku besh, better luck next time muna. Gaya nga ng nasabi ko ay nakabase sila kung gaano mo kadalas gamitin ang GCash sa mga financial transactions mo. Meron silang GScore na tinatawag para may batayan ka at mamonitor ang score mo sa pag-gamit ng GCash. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang transactions mo para madagdagan ang credit mo dito at kung kailan ba sila nagdadagdag dahil hindi rin naman nila ito dinisclose. So kung katulad kita na madalas gamitin ang GCash at di mo pa ito alam, ay besh sayang naman. Saan ko ba ito nagamit? >>HOW TO USE GCREDIT IN PAYING YOUR BILLS?



How To Increase Your GCash GCredit Limit



1. Use GCash to pay your bills. Ito yung pinakamadaling paraan na ginagawa ko. Mag cash in ka lang sa mga participating merchant nila like sa Cebuana, walang charge bes. Dati sa Cebuana ako rekta nagbabayad ng bills pero ngayon dinadaan ko muna sa GCash. Hassle lang siya ng kaunti kasi sa GCash mo babayaran yung bills mo. Kumbaga nilagyan mo lang ng laman yung GCash unlike kung sa Cebuana for example eh diretso na.


2. Use GCash to top-up load on your cellphone. Karugtong to ng nasa taas besh, kapag nagbabayad kasi ako ng bills lagi akong may butal or pasobra para magamit ko siya sa iba pang transactions. Para di na rin ako magpaload pa sa mga tindahan or kung sarado na yung paloadan ay may extra. Yung pasobra na yun yung pinangloload ko sa sarili ko o kaya sa relatives. Laking tulong din niyan pag emergency besh. ( wag lang magmaintenance si Globe or GCash pasok sa banga. )

3. Use GCash to receive Paypal funds. Kung ikaw ay katulad kong freelancer o naghohomebased job ay sureball ginagawa mo na ito. Si GCash kasi ang isa sa pinakamadali at free of charge sa pagwithdraw ng pinagpaguran nating funds sa ating Paypal account. Kumbaga ay by default nakakatulong na ito sa credibility natin sa GCredit nang di natin namamalayan.

Maraming paraan para magamit natin ng mas madalas si GCash at tumaas ang ating credit score pero ito lang kasi yung ginagawa ko. Mas lalo pa siguro kapag ginagamit ko ito sa mga transactions na gamit ang QR scanner. Happy lang!

No comments:

Post a Comment