Hello mga bes kong retailer! Gusto ko lang i-share sa inyo bagaman hindi na masyadong uso ang topic ko ngayon, basta may pera at marangal naman ang ginagawa mo wala naman sigurong masama. Yes, blogging bes. Hindi ito yung sikat ngayon na ginagawa sa Youtube which is Vlogging naman. Blogging is yung gaya nitong ginagawa ko, nagkukuwento, nagsha-share sa pamamagitan ng pagta-type. Kung isa kang blogger na tulad ko ay alam kong alam mo na ito. Yung Vlogging naman ay pinaikling salita na Video + log, na gaya din ng blog pero gamit naman ang video or vini-video.
So bakit ko ito shinishare, noong nagtitinda pa ako siyempre hindi naman laging may bumibili. Nakakainip din maghintay ng customer at since may internet naman ako at nag-aabang na may dumating na task mula sa online job ko, naisisingit ko ang pag bablog. May mga bagay akong gustong ikwento gaya ng kung paano ako nag apply ng PLDT connection na hindi magiging tsismosa ang peg ko. Dahil ibabahagi mo yung paraan o kung ano yung mga requirements, gaano ka katagal naghintay para ma-installan, yung mga ganung klase ng post ba. Meron din kasing nagbablog na tsismis lang, alam mo na may maipost lang. ( infairness naman trending kasi yung ganyan kaya patok ). Wala din namang problema kung tsismis ang content partikular sa mga balitang artista as long as nakakasunod ka sa Community Guidelines ni Google lalo kung gusto mong kumita dito.
So ayun nga bes, speaking of kita sa blogging nagstart ako magblog 3 years ago. OMG! Tatlong taon ang lumipas bago ako kumita??!! Oo bes, nakadepende kasi yan sa content mo kung pang masa at patok sa masa. Hindi rin naman ako umaasang kikita ako ng malaki sa blog ko dahil di naman kagandahan ang niche ko. Pero siyempre katulad ng karamihan sa bloggers, isa ako sa mga ninais din kumita sa pagblog. Why not? Tutal naman ay nagpopost lang din naman ako, bahala na kung may magbabasa or kahit mapabisita ng di sinasadya sa post ko na ito. Hindi rin naman siya sapilitan dahil gusto ko din ang ginagawa ko kaya go go na. Kaya mapapansin mo may mga ads or advertisement na makikita sa blog ko, yan kasi ang paraan para kumita ang isang blogger at mai-promote naman ng advertisers ang company, product o services nila. Kaya kung maganda ang niche ng blog mo for sure papatok yan sa mga readers onlne.
Nitong September ko nakuha ang katas ni Adsense, oo marahil ay narinig mo na yan. Iyan yung programa ni Google kung saan ang isang qualified na blog ay malalagyan ng advertisement na may kaugnayan dito. Nakakatuwa kasi nagshare lang naman ako na bagay na gusto kong gawin ay kumita ako, yun nga lang sobrang tagal naman. Pero ok na rin kasi nakatulong ito para makabili ako ng pangarap kong smartphone, yung pwede akong magdrawing at the same time extra phone na din dahil nasira yung isang cellphone ko. Secondhand nga lang yung binili ko dahil kailangan ng pera sa pagpapagawa sa bahay namin. Gaya ng nabanggit ko sa itaas ay kailangan qualified ang blog mo kung gusto mong magstart ng blog mo at kumita. How my Blog was Approved on Adsense?
Hindi din kasi pwedeng gagawa lang basta ng blog, dapat nakakasunod din ito sa AdSense Program policies nila. Ginagawa nila ito upang maprotektahan ang mga bloggers at pati na rin ang mga advertisers nila. Happy blogging!
No comments:
Post a Comment