Hello mga ka-Suki, isang mapagpalang bagong taon sa ating lahat. Sobrang tagal na din ng huling post ko, andaming ganap at ang laki ng idinulot sa atin ng pandemya na yan. Maraming nawalan ng trabaho at hanggang ngayon ay di naman nakatikim ng ayuda sa gobyerno. Well, di naman talaga yan ang i-share ko today. Siyempre kautangan nanaman gamit ang GCredit pero this time ginamit ko siya as pambili sa Shopee! DISCLAIMER lang po, hindi po ako humihikayat na mangutang lalo na ngayong pandemya na wala na ngang makain at maraming nawalan ng trabaho. Ang utang po ay isang opsyon na may kaakibat na responsibilidad kaya kung alam mong wala kang pagkukunan ng ibabayad hindi para sa iyo ang post na ito.
Kailangan ding siguruhin na sa pagbili ay may responsibilidad parin, dapat ito ay mga esensyal lamang at hindi para sa luho para hindi ka humantong sa "Add to Cart now, Iyak later.." Kung interesado kang malaman ay pwede mong panuorin ang video kong ito at sana makatulong po sa mga nangangailangan ng agarang pambili sa Shopee.
Napakalaking tulong talaga sa akin ng GCredit lalo na sa mga bills ko gaya ng tubig at katulad na rin ng biglaang pagbili ko sa Shopee. Hindi lang kasi kinapos sa pambili kung hindi ay di ko pa alam kung saan makakabili ng strip ng glucometer na hiniram ko. Yes, nagkaroon kasi ako ng gestational diabetes at kailangan kong magmonitoring ng aking blood sugar. Sa shopee kasi maraming pagpipilian at mura pa kaya less hassle na, naitawid pa ng GCredit yung pambili ko. Ang kagandahan din sa GCredit ay 1 month to pay ito at magaan lang o 5% ang interest kaya may pagkakataon pa akong makaipon ulit ng pambayad.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa GCredit maaari mong balikan ang mga previous post ko tungkol dito at kung maganda ba talaga itong gamitin:
No comments:
Post a Comment