[UnAvailable] HOW TO USE GCREDIT IN PAYING YOUR BILLS? - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Wednesday, September 26, 2018

[UnAvailable] HOW TO USE GCREDIT IN PAYING YOUR BILLS?

So, ito po yung karugtong ng GCASH GCredit serye ko na post. Kung nandito ka pa at nagbabasa ay welcome sayo at thank you! Sa mga  nagtatanong kung ano ang GCredit maaari po kayong bumisita sa aking previous post na >>PAANO MA-APPROVE SA GCASH GCREDIT??<< Kung noong nakaraan ay iniisip ko pa kung saan ko siya gagamitin, ito at nagamit ko na. Saktong pinapaikot ko pa ang puhunan ko sa tindahan at nakareceive ako ng text about sa unpaid bills ko sa Maynilad na warning for graduate na. ( haha mapuputulan besh ) Hindi ko inexpect na tatanggapin ito ng GCash dahil 2 months na ang bill ko na ito. Natatandaan ko pa dati na nilagyan ko ng laman yung GCash ko sa SM North pero nung magbabayad na ako ay hindi tinanggap ang transaction ko dahil due date na daw. Not sure baka nagbago na rin sila ngayon pero magandang balita yun kung ganun.

Siyempre noong nabayaran ko ang bill ko sa tubig gamit ang GCredit ng GCash aba eh mas magandang balita yun. Wala rin itong pinagkaiba sa paraan ng pagbabayad mo sa utility bills gamit ang GCash, ang gagamitin mo nga lang na option na pang bayad ay GCredit na makikita mo rin sa mismong payment page ng application. Narito ang maikling video kung paano ko siya ginawa

Ang nakakatuwa pa dito, nakareceive pa ako ng LIBRENG P50.00 at another P5.00 mula sa binayaran ko. Sorry guys. my mistake hindi siya libreng load, mali lang yung naitype ko sa video. But anyways nakakatuwa parin kasi nagkalaman pa yung GCash ko na pwede kong magamit pang load kung emergency na walang mapaloadan. Next post ko naman ay kung paano ko ito babayaran o may iba pa bang mga fees na dinadagdag mahirap na baka magkagulatan na lang sa bayaran kaya mas magandang masubukan muna. Sa transaction ko ding ito napansin ko na nadagdagan ulit ang GScore ko ng 20 points. Kaya mas madalas ko magagamit ang Gcash sa mga anik anik ay may posibility na madagdagan ang credit ko ayon na rin sa GCash na kung paano ay hindi ko pa masasagot sa ngayon. Paunawa, hindi ko po kayo ineengganyong mangutang mga bes. Ang utang ay masama kung hindi ka responsable sa pagbabayad nito at hinahayaan mo na magpatong-patong. Dapat may kontrol ka din at hanggat maaari ay pag-aralan mo parin lalo na yung mga charges, parang sa credit card lang din. Sa kabilang banda, ang utang ay nagiging makabuluhan kung ginagamit ito sa tama lalo sa pagnenegosyo at higit sa lahat ay huwag hihigit sa kakayahan mong bayaran. Godbless!

Helo po, as February 11,2020 nakatanggap po ako ng notification na hindi po available ang GCredit sa pagbayad ng Bills. Nireresolba pa daw nila ang problem kaya huwag po muna natin ito gamitin as payment option. Thank you!

No comments:

Post a Comment