Free P50.00 GCash by Saving on your GSave account! - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Saturday, July 27, 2019

Free P50.00 GCash by Saving on your GSave account!

Hello mga beshies, isa ka ba sa mga mapalad na nakatanggap ng message na ito mula sa GCash? Ayon kasi sa nabasa ko sa mechanics nito ay yung mga nakareceive lang ng message ang entitled sa promo. Natapos na yata ang duration nito at di ko na makita sa mismong GCash app. Well akala ko hindi ito totoo pero infairness to Globe talaga, tinutupad nila ang promos nila. Kahit noon sa pa-raffle nila na nanalo ako ng cellphone talagang nakuha ko din besh. Pero hindi ko na papalayuin pa yung topic last week yata ay nareceive ko nga ang mahiwagang mensahe ngang ito ng GCash na mag open lang daw ako ng aking GSave account at magdeposit atleast P5.00 ay makakareceive ako ng P50.00. Hindi nila nabanggit kung idadagdag ba ito sa mismong GSave account ko or sa mismong GCash balance ko. Pero dahil libre e di go go ang lola mo. Ang taray di ba sa halagang limang piso ko na isinave may makukuha akong sikwenta.



Ano nga ba ang GSave? May post ako regarding diyan beshy, ito yun GCash Save Money | Save money through GCash App! So hindi lang tayo tinuturuan ni GCash na gastusin ang pera na kina cash in natin dito bagkus binibigyan pa tayo ng option para mag save ng pera. Gamit lamang ang cellphone mo at downloadble parin sa Google Play at App Store. Kung nakukulangan ka pa diyan ay may invest feature pa sila. Kaya nag open ako ng aking GSave na ang tanging laman pa lang sa ngayon ay limang piso paren at kanina nga lang ay natanggap ko na yung P50.00 na labeled nila as adjustment sa aking GCash balance. Kakatuwa kasi may pang load nanaman ako. ( pang dagdag Elite RP sa PUBG haha ).

Kaya huwag na magpahuli beshy baka ikaw na lang ang wala pang GCash aba eh download na sa Playstore.

No comments:

Post a Comment