GCash Save Money | Save money through GCash App! - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Thursday, December 13, 2018

GCash Save Money | Save money through GCash App!

Hello sa inyo mga frenships, natutuwa naman akong malaman na may bago nanamang nilulutong feature si GCash sa kanilang GCash application. Kung nagkaroon man kayo ng time na makapunta sa mga previous posts ko, mapapansin niyong halos bukang bibig ko sa posts ay patungkol sa GCash. Well, di naman nila ako ini-sponsoran para sa mga talak ko dito. ( pero kung meron man, why not? tatanggi pa ba ako sa grasya? ) Sadyang na-a-amaze lang ako sa pinagbago ng GCash, as in. Dati kasi ordinaryong pang send and receive lang ito ng payments na may kasamang ibang feature pero kaunti palang. Sobrang natuwa lang din ako sa GCash dahil isa sila sa nagtiwala sa isang munting entrepreneur na tulad ko sa tulong na rin ng Fuse Lending at Puregold. Binigyan nila ako ng pagkakataong makahiram ng pang puhunan na hindi kilangan kalkalin kung may bank account ba ako at kung may anik-anik na asset pa ba ako. ( Ito yung Puregold Puhunan Plus ).



Hindi tulad ngayon na may pautang na sila ng pambayad mo ng bills, which is yung GCash GCredit, Invest Money at kung anik-anik na features pa at ngayon meron na rin silang isang paraan para makapag save ka ng pera. Oo bes, level up na sila dahil may mobile banking na talaga sila. Para makita ito sa application mo kailangan i-upadte mo muna ang GCash application mo. Payo ko rin na always upadte mo yung app mo from time to time or everytime na may prompt sa pag update para lagi kang sunod sa kung anong ganap. Iyan yung piggy bank icon under financial services.




Ang nakakalungkot na part nga lang eh as usual on beta parin sila kaya selected users palang ang nakakalasap nito. Pero ayos lang kasi para may time din ako para makadelehensya ng iipunin ko. Infairness, competitive ang pinopromote nila na service sa GCash Save Money na ito. Click mo yung link para makita mo ang sinasabi ko or here. Sana next time makasama na ako sa mga beta tester nila tutal; iyan din naman ang sideline ko sa aking online job. Anyways, excited lang akong ishare to sayo ikaw man ay isang retailer na tulad ko o gumagamit lang ng GCash. I-update ko na lang din ito kung maganda ba siyang gamitin once na accessible na siya sa aking application. Salamat sa pagbisita! Godbless!


Images used credits to https://www.gcash.com/


UPDATE ( 07/09/2019 ): So ayun mga frenny, dahil naging accessible na for a wider range of user ang GCashSave nakaka access na rin ako dito. Make sure lang na always check kung updated ang GCash app and update your GCash profile. May marereceived kang tet from GCashSave na pre-registered nila ang number sa GCash at i-oopen GSave account mo once na ang verification mo ay na approved.



No comments:

Post a Comment