Oops! Your Paypal pre-approved payment for GCash is still pending | Problem Solved - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Monday, March 04, 2019

Oops! Your Paypal pre-approved payment for GCash is still pending | Problem Solved

Hi mga best kong retailer na-experience niyo na bang makareceive ng pop up message na ito after niyong mag-cash in withdrawal from Paypal to GCash? Konting share lang kahit hindi mo tanungin, ( mema-share lang, pampahaba ng post haha ) sa GCash ko kasi pinapadaan o winiwithdraw yung kapirasong kinikita ko sa online job ko. Free of charge kasi ito at super instant pa. Kung gusto mong malaman kung Paano Mag-Cash in sa GCash from your Paypal account please watch this.


Anyways, ito naman na talaga ang ginagamit ko mula noong nalaman ko yan. So ito na nga, nagimbal lang ako last week dahil first time kong mareceive ang pop up message na ito na pending pa daw ang pre-approve payment na ika-cash in ko sana. Ina-advice din sa akin na ulitin ko after 24 hours o hanggang 48 hours. Nakakalerks kasi nasanay ako ng laging instant kaya no choice. May pag gagamitan din kasi sana ako.

So ayun naghintay ako, kinabukasan ganun parin ang message sa akin at sa mga sumunod pang araw. Nagcheck din ako sa Playstore kung may update ang GCash app, baka yun din ang rason at mayroon nga at agad ko naman itong inupdate. Nagtry ako muli besh kaya lang ayaw talaga. So, last ay kinontact ko na yung GCash Care sa Facebook at nagreply sila sa akin. Sa awa ni Lord, success!

Tips kung Paano ko ito na Solved.

1. Dapat may Paypal account at wiwithdrawhing amount.

2. Kailang naka-linked na rin ang Paypal mo sa iyong GCash application.

3. Make sure na ang GCash Application mo ay laging updated.

4. Unlinked your Paypal account at ire-link ito. **

5. Kung hindi ka parin makapag cash in sa GCash mo ay pinakamainam na  i-contact ang GCash Care sa kanilang facebook messenger.


** Para mag-unlink ng inyong Paypal account sa GCash app.

1. Log in to GCash app.

2. Tap Menu or yung 3 lines.

3. Tap 'My Linked Accounts.

4. Choose Paypal.

5. Dahil i-uunlink ngaa naten ang account automatic na pre-filled na ng Paypal account mo yung email field.

6. Mag-type ka lang or just tap dun sa email field and Done sa keyboard para lumabas yung pop-up na ito.

7. Choose Yes.

8. I-link mo lang ulit yung Paypal mo by providing the same Paypal account. ( parang nagrefresh lang )

9. Follow the linking instruction and done! ( For sure ay alam mo na rin kung paano maglink ng inyong Paypal to GCash, pero kung hindi pa ay i-uupdate ko na lang ito besh para sayo. )

10. Happy Cash in!



No comments:

Post a Comment