Libreng Ham mula sa Puregold at Fuse Lending! - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Tuesday, January 23, 2018

Libreng Ham mula sa Puregold at Fuse Lending!

Masayang araw mga suki!

Literal na masaya ang araw ko ngayon dahil nakakuha ako ng libreng ham. Last December 1, 2017 ng maka-receive ako ng text mula sa Fuse lending na maaari akong makakuha ng libreng ham for every 15,000 accumulated purchase gamit ang Puregold Puhunan Plus hanggang December 31, 2017. Masaya ako dahil alam kong pasok ako sa requirement at nito lamang January 4, 2018 ay nakatanggap ulit ako ng mensahe na maaari ko ng makuha ang libreng ham sa aking Puregold branch. Nakakaloka nga lang dahil pagdating ko sa Puregold ay wala silang kaalam-alam sa sinasabi kong promo. ( yung feeling mo na akala mo kayo, pero hindi pala! haha )

Pinakita ko sa kanila ang text ng Fuse Lending sa akin dahil naka-indicate din sa text na kailangan ko lang magdala ng ID at ipakita yung text for verification sa pagredeem. Naghintay ako hanggang sa pinayuhan akong bumalik na lang dahil kailangan pa daw nilang ma-confirm ito. Hindi rin naman nabanggit kung hanggang kailan ang redemtion kaya nagpasya akong bumalik na lang. Bumalik ako last Monday pero umuwi akong luhaan haha.. ( Hassle din kasi dahil yun lang talaga ang pinunta ko tapos wala akong napala. )


Naunawaan ko naman ang mga staff ng Puregold dahil maayos naman nilang sinabi ito sa akin kasabay ng kanilang paumanhin. Nakatanggap na raw sila ng memo mula sa Fuse Lending kaya lang naubos naman daw yung ham noong nag-buy one take one sila. Hindi ko na nga balak kunin to dahil dalawang beses na akong nabigo, naisip ko na baka di talaga kami meant to be nung Ham.. ( haha ) Kaya lang nung sumunod na araw tinawagan ako ng Fuse Lending at tinanong ako kung nakuha ko na daw yung ham ko, sinabi ko naman na hindi pa at yung nangyari. Sabi ng nakausap ko ay kakausapin niya daw yung branch ko.


Hayun, nagpunta ako kanina. Sa wakas bes, nakuha ko na siya! Naniniwala na ako na meant to be nga kami. :) Sa kabila ng nangyari ay masaya parin ako dahil nakatanggap nanaman ako ng libre. Nakautang na ako, may libre pa! Salamat sa Puregold Puhunan Plus at sa Fuse Lending! May pa-ham si mayor!

No comments:

Post a Comment