Mura nga ba ang mga Paninda nila?
Lagi ba talagang Bago?
Mahalaga ang expiry date lalo na at pagkain ang pangunahing itinitinda sa sari-sari store. So far naman sa mga pinagpilian kong mga pamilihan ay hindi naman ako naka-encounter ng expired. Ang kagandahan lang sa mga grocery type na katulad ng Puregold, makakapamili ako mismo ng item na bibilhin ko. Mas mapipili ko yung may pinakamatagal na expiry. Maganda pa ang pagkakalatag at ayos nila ng mga produkto. Sa wholesaler na iba kasi kung ano nalang ang makuha nila tapos isasalampak nalang sa sahig. ( Ito po ay base sa experience ko ) Iyong iba naman hindi mo mamamalayan may mga snacks na ibibigay sayo na walang hangin. Importante ito sa akin lalo na yung karamihan ng nabili sa akin ay maarte pagdating sa ganyang bagay. Hindi ko rin naman masisi kasi kahit ako man ayaw ko ng walang hangin dahil pwedeng may butas iyon tapos makunat na yung loob. Doon pa lang lugi ka na, ok lang kung mapapalitan yun nga lang hassle pa. Pansin ko lang din na halos nakukumpleto ko ang tindahan namin ng ibat-ibang item kapag sa Puregold ako namimili. Mas marami kasing pagpipilian doon at may mga bagong paninda din na hindi ko nabibili sa iba. Mainam din kasi na may dinadagdag ka rin na bago sa tindahan mo para hindi naman boring na iyon at iyon lang din, pero siyempre kapag swak sa budget.Always ba talagang may Promo?
Kung sa Promos lang naman ang pag-uusapan ay talagang hindi magpapahuli ang Puregold. Mapa Buy 1 Take 1, discounts at freebies panalo talaga. Dapat lang din na sigurista ka na Free or may Free yung item. Minsan kasi sa pagmamadali mo or di masyadong natingnan ng maigi, hindi pala siya Free. Sa dami ng mga freebies na nakuha ko kanila ay halos makupleto na ng Puregold ang gamit ko sa kusina. Yung iba pinamimigay ko rin sa mga suki ko bilang Pamasko tulad ng plato, payong at damit. Katulad na lamang ng na free kong cute notepad set na nasa images, pwede ko siyang magamit sa mga importanteng dapat ilista ( gaya ng utang haha ). Ang nakakatuwa ay nakaorganize pa.
Nakakalungkot nga lang na madalas nauubos agad yung mga may promo nilang item dahil patok na patok siya. Kaya dapat lagi kang updated sa mga promos nila sa kanilang fb page. Dahil sa mga pa-promo ngang ito ng Puregold lalo akong naakit sa kanila mamili at nagpa-member sa kanilang Tindahan ni Aling Puring. Sa madalas kong pamimili ay nakakaipon ako ng points na pwede kong gamiting pambayad o kaya ay >> Pambili ng Globe Retailer load << ( gamit ko na siyang pang-personal sa ngayon ). Sa lahat yata ng benepisyo ng pamimili ko sa Puregold ay itong huli ang pinaka-pinusuan ko, ang >> Nakapamili ako sa Puregold gamit ang Puhunan Plus! << Oo bes nagpapautang sila ng pamuhunan mong paninda, wala ng credit card pang kailangan, at wala sa ibang pinamimilihan ko.
Ito ang mga dahilan kung bakit ako sa kanila namimili. Hindi ko naman ibig ipabatid na dito karin mamili. Ito ay base sa aking karanasan at ibinabahagi ko lang. Sa huli ay ikaw parin naman ang magpapasya dahil ikaw ang nakakaalam ng pangangailan ng iyong tindahan at mga customer. At katulad ng image na nasa itaas, dapat "Happy Lang!"
Godbless!
No comments:
Post a Comment