My PLDT Home Fam Cam Experience - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Monday, October 09, 2017

My PLDT Home Fam Cam Experience

This is it bes,

pagkatapos nang ilang panahon ay napagkasunduan namin ni jowadik ko na mag-avail ng Fam Cam na addon sa aming PLDT Home subscription. Matagal na namin itong pinag-iisipan dahil gusto namin magkaroon ng siguridad para sa aming tindahan. Noon pa man kasing nagsisimula palang kami ay may nagtatangka ng manungkit ng paninda sa amin. Maliit na nga lang ang tubo ng tindahan ay nanakawan ka pa eh uber na yan.. Naalala ko pa noong nagsimula kaming mag 24 oras dahil panahon yun ng simbang gabi, nakita pa ni jowadik kung paano pinipilit na buksan ang harang sa maliit na bukasan ( parang transaction window ) ng di kilalang tao sa labas. Agad nakalayo ito nang magising si jowadik mula sa sandaling pagkakaidlip.


Image credits to https://pldthome.com/famcam

Naranasan din namin mawalan ng tricycle sa tapat mismo sa labas ng aming tindahan, hindi kasi iyon nalagyan ng kadena that time dahil nagkaroon ng malubhang sugat si jowadik sa binti at hirap makalakad at inisip din namin na ilang oras na lamang ay ibabyahe na ito ng driver namin. Bisperas ng pasko ito nangyari kaya ngayong ilang buwan na lang ay panahon nanaman ng kapaskuhan ay nananariwa nanaman ito sa aming alaala. Matagal na namin gustong magpalagay ng CCTV kaso kapos talaga kami o wala kaming mailaang budget para dito dahil yung tindahan talaga ang priority namin.

Good thing na mayroong ganitong add on ang PLDT Home at idadagdag lang siya sa iyong bill monthly. Advance Fam Cam ang inapplyan ko, which is addtional P499 on top of my dsl subscription. Ok na rin ito para di kami mabigla sa pagbabayad at dahil subscriber na nila ako  ay itinawag ko na lang ito sa 171. Nagtanong lang ng ilang detalye mula sa akin at yung ID no nung ID na ginamit ko noong nag apply ako sa kanila. Buti na lang at naitago ko pa dahil expired na ang Postal ID na pinang apply ko. Pagkatapos mai-confirm ang transaction ay inabisuhan akong maghintay ng 3-5 days para sa device o yung paraphernalia nila tapos ma-activate daw after 48 hours. Kaka-apply ko pa lang sa kanila kanina at ok naman yung nag assist sa akin. Naipaliwanag naman niya sa akin yung details ng package, mahirap nga lang kumontak sa kanila. Grabe, naniniwala naman na talaga ako sa forever. Kung may katanungan kayo or mas madetalyeng impormasyon ukol sa Fam Cam ni PLDT, go lang kayo sa link na ito --> https://pldthome.com/famcam. Ayun, so hihintayin ko na lang ang mga susunod na kaganapan. I-uupdate ko din ito once na dumating  na ang mga paraphernalia nila at activation na rin. :)

UPDATE: Dumating na yung cam device last October 14 pero delivery pa lang. Tumawag ako sa sa kanila about sa installation kaya lang pinapatawag nila ako sa ibang number na ilang beses akong nag attempt tumawag kaso puro ring lang.. ( abangan ang aking road to forever famcam installation.. haha )

Ayon sa last na tawag ko sa kanila, nalaman kong hindi pala kasama sa application ko yung installation. ( pero sinabi kong ipapa install ko na lang at magdadagdag ako ng P500 dahil wala naman akong kakilala, nirecap pa nga sa akin yung magiging bill ko next month. tapos hindi naman pala sinama so, hayun naghihintay pala ako sa wala. ) Sabi ko ipapa install ko na lang at advice sa akin na ginawan na daw ako ng request para sa taong mag iinstall at tumawag after 2 days. Naghintay ako pero wala namang nadeploy sa amin. Nagresearch na lang ako, at kung alam ko lang na napakadali lang naman pala ng installation. Downloadable lang din yung software para sa cam sa website nung dlink. Heto sa awa ni Lord nagagamit na namin siya. Tuymawag ulit ako para ipa-cancel yung installation nila.

No comments:

Post a Comment