Nakailang cycle na din ako ng loan at ok sa alright naman ang naging experience ko sa pagloan ng groceries sa Puregold. Noong unang pagbayad ko ay hinintay ko muna ang due date nito, kailangan lang na may sapat na funds ang iyong GCash para automatic na ide-debit ni Fuse ang iyong credit. Nang sumunod kong pagloan ay naisip kong magbayad ng mas maaga sa aking due date dahil may sapat naman na akong pambayad at para hindi ko na rin ito magastos pa, nagpasya akong gamitin ang isang option which is yung pag gamit nga ng Fuse USSD Menu. Heto ang aking simpleng paraan para gamitin ito.
Bukod sa mapapa-aga ang iyong pagbayad ( na pwedeng makadagdag ganda points as good payer ka.. ) makakaiwas ka pa sa notification nila sayo kapag malapit na ang iyong due date. Apat na araw bago ang due date mo ay makakatanggap ka na sa Fuse ng notification message as a reminder ng iyong loan. Sa due mo naman ay may pahaves pang tawag ng kanilang mga staff kaya para iwas abala mas ok siya. Ang kagandahan pa, pwede ka na ulit makautang pag nakapagbayad ka na.
No comments:
Post a Comment