Paano ma-Approve sa Cebuana Lhuillier Happy Loan? - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Friday, October 06, 2017

Paano ma-Approve sa Cebuana Lhuillier Happy Loan?

Mga bes bago ko simulan ang post ko na

ito ay gusto kong ipabatid na may pag-asa pa. Ang post ko ding ito ay hango sa aking sariling karanasan sa pag-a-apply ko sa Cebuana. Nitong mga nakaraang buwan ay talagang nagipit kami at nangailangan  ng dagdag puhunan para sa aming tindahan. Isa at unang naging tugon sa aking pinansyal na pangangailan ang Happy Loan na inooffer ngayon ng Cebuana Lhuillier. Kung hindi mo pa ito alam eh bes, baka ito rin ay makatulong sayo. May post ako patungkol sa first time kong pag-aaply sa Cebuana na matatagpuan dito --> http://sarisaristorediaries.blogspot.com/2017/06/cebuana-lhuillier-happy-loan.html

Oo bes, nakapagloan na ako sa kanila at last week pagkatapos kong mag bayad ng huling payment ko eh nag apply ako ulit. ( Haha hapit na hapit ang peg? ) Sabi din naman kasi ng staff nila ay pwede naman kaya hayun nagtry ako. After ilang days ( .. sarry nakalimutan ko, hanapin ko yung receipt ) hayun nakareceive na akong ng mahiwagang mensahe mula sa Cebuana.



Paano ba ako na-Approve?

Nagpasa lang ako ng requirements na hinahanap nila. Tin ID, Barangay permit ng tindahan namin at yung bill namin sa PLDT. Inihanda ko muna ang mga iyon at pina-xerox bago ako nagpunta sa Cebuana branch sa amin. Kailangan parin yung ID mo etc for verification. Ganito rin ang ginawa ko nung nag re-apply ako sa kanila ng loan. Same procedure din. After submission, naghintay ng ilang araw at ito na nga yun bes! This is it pansit!




Bakit P4,800 na lang? Yung P200 kasi ay processing fee nila at deducted na siya automatically sa loan mo. Kailangan mo lang dalhin at ipakita sa staff ang loan reference at valid ID mo for verification sa pag claim ng iyong loan. Sari-sari store ang munti naming negosyo kaya kung ikaw ay katulad kong sari-sari store owner at meron ka namang mga requirements ng katulad ng sa akin, bakit hindi mo itry bes? Ok siyang pandagdag ng puhunan dahil 3 months to pay siya, swak na swak para mapaikot mo ng husto ang puhunan sa iyong tindahan.

Ang re-application ay subjected parin sa kanilang approval kaya parang magsisimula ka ulit. Kaya mas magandang magkaroon ng good record history sa pagbabayad. Ayon sa Cebuana Facebook mayroon kang 7 days para ma-iclaim ang iyong loan. Goodluck mga bes and Godbless!

* Ang application at re-application ay subjected parin sa kanilang approval kaya nakadepende parin ito sa kanila. Gusto ko lang i-share ang ginawa ko at na-approve naman ako kaya pwedeng mangyaring ma-approve ka din.

No comments:

Post a Comment