Totoo ba ang Return at Replacement ni Lazada? - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Sunday, September 17, 2017

Totoo ba ang Return at Replacement ni Lazada?

Sa ilang beses ko ng pagshoshoping gamit ang application ni Lazada ay isang beses pa lamang ako nakatanggap ng defective item. May 14 ng eksaktong dumating sa akin ang inorder kong bagong jowa este bluetooth headset. Sobrang excited ako nung narinig ko ang pagtawag ng malagum na boses ni kuyang delivery man sa labas ng aming pintuan. Siyempre alams na, parang laging may balikbayan box ang peg ko habang tinatanggal sa pagkakasilid ang inorder ko. Iyon ang unang pagkakataong nadismaya ako sa nabili ko sa Lazada. Binasa ko naman ng maigi ang manual ng Awei A980BL Wireless Sports Bluetooth Headset kaso talagang hindi siya nadedetect. Pero gumagana naman siya, nag-oon ang power at may voice prompt pa.


Nakakahinayang dahil excited na excited akong magamit ito at infairness maganda ang design niya. Mukhang kaya din naman niyang makipagsabayan sa ibang mas mahal na presyong bluetooth headset. Kaya dali-dali akong humarap sa laptop at nagrequest ng replacement para sa nabili ko sa kanila. Maayos at mabilis naman akong inasikaso ng representative ng Lazada. Siya na rin ang gumawa ng return para sa akin. Binigay niya na lang ang ilang instruction para ibalik sa kanila ang defective na item. Kung sakaling ma-encounter niyo rin ang ganitong pangyayari ay maaari kayong magpunta sa link nila na FREE and EASY returns for ALL Lazada customersO kaya ay i-message niyo sila sa fb messanger gaya ng ginawa ko, Pagkatapos kong maireturn sa pinakamalapit na LBC ang item noong May 15 ( infairness Free nga siya, Lazada daw ang magshoulder nun sabi nung agent sa akin ), nireplyan ko yung email nila sa akin at sinend ko yung Tracking number nung item. May 17 ay nakatanggap na ako ng email na nagcoconfirm na nareceive na nila yung return ko at pinaprocess na nila ang replacement nito. Replacement na lang ang ginawa ko at hindi refund. Sa design at yung mismong headset ay makatarungan naman at pak na pak sa panlasa ko. Kinabukasan ay dumating na rin sa wakas ang pinakahinihintay ko.



Mabuti na lang at may ganitong policy ang Lazada, atleast pwede mong mabawi ang pera mo or mapapalitan kung defective ang mai-deliver sayo. Iyon nga lang sana ay suriin munang mabuti ng Lazada lalo na ng mga Seller ang item na inoorder sa kanila. Dapat ay detalyado at makatotohanan lamang ang impormasyon na nakalista sa kanilang ad. Hassle din kasi kapag nagreturn ka ng defective na item kahit sabihin pang libre ito. Mabuti sana kung lahat ng lugar ay may LBC or may malapit na LBC. Pamasahe pa ^_^ Maswerte na nga lang ako at malapit lang ang LBC sa amin, pwedeng lakarin pero syet mangingitim nanaman ako! Dagdag pa rito ay kung halagang 200 below na products ay malamang hindi na rin paglaanan pa ng panahong ipa-refund o replacement. Malamang ay madala na lang umorder sa susunod yung customer pag ganun. Kaya para masagot ang title ng post ko na ito, siyempre alam na. Totoo talaga. Sundin lang ang return and replacement instructions nila at matatanggap mo din ang kaukulang item na hinahanap mo. :)


Happy Shopping!

No comments:

Post a Comment