O Shopping | Making Life Easy Experience - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Wednesday, January 27, 2016

O Shopping | Making Life Easy Experience

Ilang beses ko na rin itong napanood sa madaling araw dahil 24 hours ang tindahan namin. Kahit paano ay nakaka-enjoy din namang panoorin ang demo nila na kahit paano ay may napapanood pa lalo na at wala ng ibang channel ang may palabas pa. Samantala, ito talaga ang product nilang nakakuha ng atensyon ko.




video credits to www.oshopping.com.ph



Dahil nasa bungad lang ang tindahan namin, exposed na exposed talaga kami sa alikabok. Isang walang humpay na pakikipaglaban sa dumi at alikabok araw-araw. Naisip ko lang naman na bakit hindi ko subukan. Hiniling ko din na sana ay magkaroon din ako ng vaccum balang araw pero sa tingin ko ay para lang ito sa mga may carpet sa bahay. Pang-yayamanin ika nga ng iba. Nang mapanood ko ang video na yan sa TV, nalaman kong ito ay portable 2 way vaccum. Korek, 2 way vaccum mga bes. Excited pa ako habang dina-dial ang number nila. Dahil wala akong credit card, hindi ko tuloy ito maa-avail ng installment.. Yun lang! Saklap di ba? Haha



Ito ang unang pagkakataon kong bumili ng appliance sa telepono. Kadalasan kasi ay rekta kami para makita mo talaga ng personal yung quality niya at kung matibay ba. Umorder ako ng isa, Cash On Delivery at may charge itong Php238.00. Sabi ng kanilang sales representative ay maidedeliver ito sa akin sa loob ng isang linggo. Pagkatapos naming mag-callmate eh nakareceive na ako ng confirmation message ng order ko. Kinabukasan, nakatanggap ulit ako ng message mula sa delivery man kung available ba akong magreceive ng vaccum sa araw na iyon. Naks, hindi ko inaasahang ganito kabilis ang transaction namin! Nang natanggap ko na ang vaccum siyempre excited nanaman ako para sa unboxing.





Sa unang tingin ay hindi mo talaga aakalaing makakalinis ang vaccum na ito dahil sa size niya. Namangha ako nang mapagkabit-kabit ko na ang mga parts nito sa tamang ayos. Isinukbit ko lang ang holder nito sa aking balikat at lumarga na. Siyempre inuna kong linisin ang laptop ko. Madalas ko naman itong linisin gamit ang basahan pero alam ko namang hindi ko talaga siya nalilinis ng todo. Nalilinis lang yung panlabas na bahagi pero yung loob, siguradong tadtad ng dumi. Nang pinihit ko na ang power button, hinigop niya ang mga alikabok na parang akala mo ay walang nangyari. Ngunit nang buksan ko yung lagayan ng alikabok niya, nawindang ako sa dumi ng laptop ko. Haha Gaya ng inaasahan ko, maiingit sa akin si hubby kaya siya man ay nilinis din ang computer niya. Ang mga first time nga naman. Haha Pinalitan niya lang yung bunganga nito ng pang blower. Effective naman siya infairness. Ang downside niya lang eh mabilis siya mag-init, siguro dahil sa lakas din kasi ng makina niya. Ito rin siguro yung dahilan kung bakit sa video nila ay gumagamit sila ng ibat-ibang vaccum sa bawat demo nila, kasi namamatay na lang siya. Nakasulat din naman ito sa manual na kailangan mo din ipahinga yung vaccum ng mga 10 minutes bago gamitin ulit. Sana pwede rin ito sa mga basang areas para mas masaya.


 
Images credits to www.oshopping.com.ph



Kung presyo ang pag-uusapan at ang features nito, sulit na din. Nadadagdagan ang sipag ko sa paglilinis. Ok sa alright talaga ang transaction nila bukod sa vaccum kaya malamang ay makaorder ako sa susunod ng iba pa nilang product na kailangan ko. For more information with this product, you can directly go here http://oshopping.com.ph/home-improvement/cleaning/ilo-2-way-power-vacuum-cleaner. You can also browse their other quality products there.


Let me hear from you. My comment box is welcome from your opinion and experience with O Shopping and it's products. Your comments are valuable to me so just write it below.



2 comments:

  1. hello po, I am planning to buy the vacuum cleaner, but may i get an update? how's your vacuum cleaner after a year?

    ReplyDelete
  2. Sorry for my late response, sa tingin ko nakabili ka na rin ng vaccum mo. Ok parin naman yung vaccum :)

    ReplyDelete