Do not Expect Too Much | Lesson Learned from a 'Fifth-Time Customer'. - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Saturday, April 30, 2016

Do not Expect Too Much | Lesson Learned from a 'Fifth-Time Customer'.

Bumisita kami ni hubby sa aming long-time partner sa buhay pagdating sa appliances at motor noong nakaraang Lunes. Naikwento ko na rin sa dating post ko kung paanong ang KServico became our Partner to Success. Pagpasok palang namin sa loob ay ramdam ko na parang bagong customer kami, marahil bago na ang mga agents nila. Hindi nila alam na dati na rin kaming nakapag apply dito, kumbaga ay suki na kami ng hulugan. Haha Hindi naman nila siguro kailangang alamin pa, sino ba naman kami? Balak naming tumakas sa kuko ng mainit at nag-iinit na mundo kaya mag aapply nanaman kami ng airconditioner sa kanila. Inasikaso naman ako ng isang agent nila. Sinabi ko sa kanya na baka pwedeng gamitin ko na lang ang old documents ko para sa requirements dahil may record naman sila nito. Hindi daw pwede at kailangang bago ang isa-submit ko at hihingin naman ito kapag nag CI na sa amin.


Hindi ko inaasahang mag CI ulit sa amin na parang bago lang talaga ako. Siguro nga masyado akong nag expect at pa-VIP ang peg na mas magiging mabilis na ang susunod naming transactions. Pagkatapos ng appliances na nakuha ko ng hulugan sa kanila gaya ng refrigerator at freezer para sa tindahan, kawasaki at hondang motor, at LED TV ay parang wala lang. Haha Parang yung tipong akala mo kayo pero ilusyon lang pala mga bes! Anyways, ok lang. Marahil ay bago na ang sistema nila at wala na iyon sa akin, medyo masakit lang ng kaunti. Pagkatapos kong mag fill-up sa form nila ay sinabing hintayin ko na lang daw ang pag CI. Naghintay ako hanggang kinabukasan pero namuti lang ang mata ko. One day lang kasi ang process nila. Kaya nga pinusuan ko ng husto ang serbisyo nila noon. Noong Miyerkules, tinawagan ako ng manager nila na ok na daw ang application ko at ready for pick up na siya. Hurray! Ang saya ko pa nang sinabing pumunta na daw ako para sa contract signing.


kservico appliances
This was a picture taken inside KServico Fairview branch

Nang makarating ako sa branch ay mukhang may pumipigil talaga sa application ko. Habang iniinspect nila yung unit na ibibigay sa akin ay hindi pala iyon yung unit na inaapplyan ko. Dahil dalawa na lang ang unit na natira sa kanila, wala na akong choice. Sabi ng manager na yung isang unit ay mas mahal kaysa sa gusto kong kunin kaya tinanong niya ako at inalok ito sa akin. Ang sabi ko kailangang sabihin ko muna kay hubby. Napagdesisyunan namin ni hubby na yung split type na lang ang kunin, kaso kailangan daw maghintay na ma-survey kami ng aircon installer. Sa totoo lang hindi ko na talaga kaya ang init ng panahon lalo sa tanghali. Bumalik ako kinabukasan para sabihing hindi na lang yung split type kasi hindi na kami makakapaghintay pa. Sabi nila ay ok lang, ang problema ko naman ay yung requirements. Hindi ako nakapagdala kahit ID. Inaamin kong ang tanga ko talaga na kailangan naman talaga ito. Hindi naman sa pagpapa-importante, sana pinagbigyan nila yung request ko na kung pwede ay ihabol na lang yung requirements ko o kaya pagdating ng magkokolekta ng unang hulog ko.


motorcycles at KServico Fairview branch
Looking much better and organized than before.

Ang totoo kasi niyan, kaya ko nirequest kung pwede iyon dahil nagawa namin yan noon. Nakiusap kami sa agent namin kung pwede bang gamitin yung dating documents nang mag apply ako ng hondang motor at hinanap niya lang ito. Wala ng sabi-sabi. Siguro yung agent na nag asikaso sa akin ay ayaw ng mag aksaya ng panahong maghanap ng record ko sa kanila o kaya naman ay talagang naghigpit na talaga sila pagdating sa requirements. Dahil sa nangyari, nagdesisyon akong huwag ng ituloy ito habang nasa biyahe ako. Kaya naman naming bumili ng bago kaso hulugan talaga ang target namin para hindi bigla at magagamit pa namin yung pera sa pagpapaikot sa tindahan. Kaya nga KServico ang nasa isip ko agad dahil ok naman ang naging transaction ko sa kanila. Sa loob din ng ilang taong nag-installment ako sa kanila ay hindi ako pumalya kahit sabay-sabay ang binabayaran ko sa kanila. May time kasi na kumuha ako ng freezer kahit hulugan pa yung kawasaki namin na motor. Nakakalungkot lang, siguro nga hindi na ako mag eexpect ng sobra. :(

Ikaw bes, anong KServico experience mo..? Kwento mo naman :) Comment ka sa box ko dali.. Timer starts now! ^_^

No comments:

Post a Comment