Tips to Avoid Confusion with the New BankNote Series - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Wednesday, April 20, 2016

Tips to Avoid Confusion with the New BankNote Series



Kaway sa mga magaganda kong friendship, para sa kamalayan narin ng lahat ang patungkol sa bagong inilabas na banknotes sa Pilipinas. Dahil sa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Demonetization Schedule ay nagsimula ngayong taon, ito rin ang dahilan ng pagkalito ng marami nating kababayan dahil kulay ng bago nating salapi. Napakahalaga ng pera kaya alam natin dapat tukuyin ang peke sa hindi. Kahapon, pinakita ito sa akin ni hubby.


one hundred and one thousand peso bill


Larawan ito ng isang libong piso na nakaibabaw sa isang daang piso. Kung pagmamasdan mo halos hindi nagkakalayo ang kulay nila. sa unang tingin ay nakakalito, pero kung pagmamasdan mong maigi ay mas mapusyaw ang kulay ng isang libo kumpara sa isang daan na parang nilabhan.



Kaya, ito ang mga Sipmpleng Tip ko upang Hindi ka Malito sa Bagong BankNote Series



1. Mainam na iayos mo ang mga perang papel ayon sa halaga nito na para bang sa cashier. Mas maayos na tingnan at hindi ka pa malilito. 

2. Kung hindi mo afford ang bumili ng organizer box pwede ka namang gumawa ng mga DIY para hindi ka na gumastos pa. Makakabas ka pa sa mga bagay na nakatambak lang sa bahay niyo. 

3.  Huwag hayaang maghalo ang mga pera para hindi malito at mabilis ka pang makapag sukli. Gaya nga ng larawan sa itaas, nakaka loko ang kulay nito.

4. Laging tingnan kung sino yung nakaimprenta sa pera. Sigurado naman akong pamilyar ka na lalo na sa isang libo na may tatlong mukha ng tao. Atleast, madali mo siyang matutukoy.

5. Pang huli, huwag kalimutang i-check kung peke ito o hindi. Paano? Bisitahin mo ang latest post kong ito > > Tips para Hindi mabiktima ng Pekeng Pera < <

Awareness is next to safety.. God bless!





No comments:

Post a Comment