The Price Impact | Beyond the Competition - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Friday, April 08, 2016

The Price Impact | Beyond the Competition

Pihadong mamahalin ka ng iyong mga suki kapag ang mga paninda mo ay mas mura ang presyo kumpara sa iba. Para itong 'Audience Impact' mas mababa ang presyo, dadagsain ka ng mga mamimili. Bongga! 
Sa kalaunan niyan, magsusulputan na ang iba pang tindahan na pwedeng maging kalaban o katunggali mo kaya ang mababang presyo mo ang siya mong magiging alas. Ang mga mamimili siyempre ay maghahanap ng tindahan kung saan sila makakamura.



Noong nagsimula ako sa aming munting tindahan, napakaganda ng timing ko at ok sa alright ang aming pwesto. Wala akong masyadong kalabang ( haha kalaban talaga? ) tindahan kaya't alam kong sa akin babagsak ang customer sa lugar namin, hanggang sa may isang tindahang sumulpot. Siyempre  sa umpisa magpapasikat muna, ganyan naman ang mga taktika ng mga negosyante. Bagsak presyo ang mga paninda nila na kinagat naman ng mga mamimili.  Maaaring ito rin ang paraan nila para mabilis silang makilala. Malaki talaga ang nagagawa ng presyo. Mas mababa ang presyo ng mga paninda nila kumpara sa amin na para sa akin ay di makatarungan, hindi para sa akin kukndi para sa kanila. Kung iisipin mo kasi,nangungupahan lang sila at bukod pa doon ay hiwalay pa ang bayad sa kuryente, sa opinyon ko lang.

Payo sa akin ni tatay ay huwag daw ako mawalan ng pag-asa. Hindi naman mataas ang presyo namin, nasa tamang presyuhan lang. Gusto lang talaga nila akong kumpetensyahin sa tingin ko. Ang sabi sa akin ni tatay, lagi daw talagang may kompetisyon sa larangan ng pagnenegosyo. Inihalimbawa nito ang kompetisyon sa palengke na parang matira ang matibay. ( haha ang OA ni tatay ) Kapag sumuko ka, talo ka. Kahit na dikit dikit at siksikan pa ang mga stalls ay kumikita parin naman.Oo nga naman, bakit nga naman ako susuko? Hindi ako nangungupahan at kuryente lang na residential ang binabayaran koat yan ang pambato ko. Naging hamon ito para sa akin kaya't nag-adjust ako ng presyo sa ilang paninda ko. Yung presyo na hindi naman masyadong mababa na tipong palugi na ko. Medyo mababa lang kaysa sa dati. Ayaw nga pumayag ni tatay pero pinagpilitan ko parin at kinalaunan mas marami na ulit bumibili sa amin. Mas mainam kasing maibenta mo agad yung mga paninda mo para kuha mo agad yung tubo at maipaikot muli. Hindi ka pa mgangamba na baka abutan ka lang ng expiry date.


Sa ngayon, hindi na ako natatakot makipagsapalaran at makipagkumpetensya. Mas ok rin yung paminsan minsan ay na nagkakaroon ka ng katunggali sa negosyo para mas lalo kang magsumikap at pag-igihan ang pagmanage. Ang Kumpetisyon sa negosyo ay hindi lang umiikot sa presyo. Kailangan mo paring isaalang-alang ang ibang bagay tulad ng puhunan. Makakatulong din ang pagsunod sa SRP o Suggested Retail Price. Upang makapagbaba ka ng presyo ng paninda ay kailangan mo rin namang mag-hanap o mag-canvass ng pinaka-murang wholesaler gaya ng ginagawa ng ating mga customer.


Image Credits to blog.innoware.co.uk



No comments:

Post a Comment