Makaraang mabigo ako sa proseso ng application sa KServico, nagpasyang bumili na lang ng aircon si hubby sa Abenson. Naintindihan niya ang effort ko sa pagbalik-balik sa pinakamalapit na KServico branch sa amin na walang magandang kinahinatnan. Kung tutuusin, mayroon naman kaming pambili ng cash para sa aircon, mas maganda nga lang kung mag-installment kami kaso wala na kaming choice. Sa totoo lang, napahiya ako sa nangyari noong nandoon ako sa branch. Pero ayos lang, nakauwi naman ang asawa ko na may dala ng bagong carrier air conditioner.
It's never too late to dream a new dream. Pinangarap ko din na magkaroon ng appliance na ito sa bahay, at ngayon dahil sa pinagsamang ipon namin ni hubby nakabili kami ng isa. Ang Carrier Optima 1hp na ito ay may kasamang Free desk fan pero nakiusap si hubby na kung pwede bang ang bilhin lang ay iyong aircon sa halagang Php16,000. Pumayag naman ang management ng Abenson at ayun, nabili niya nga ito at nakatanggap pa siya ng Abenson Plus Card ng Libre! Isa rin itang reward card na pwedeng mag-earn ng points.
Enjoy these Exclusive Benefits with Abenson Plus Card:
Plus! Instant Rewards!
Enjoy points the moment you apply.
Plus! Bonus Points!
Watch out for special promos where you can earn more points.
Plus! Exclusive Offers!
Avail of special seasonal items at marked-down prices.
Plus! eCash!
Use your points to purchase any item sold at the store.
In fairness sa aircon na ito, malamig siya kahit fanmode lang. ( hindi ko lang alam kasi bago pa, malalaman natin katagalan ) Mabilis siyang lumamig. Hindi ko nga lang din alam kung gaano nito mabilis mapapataas ang bill namin sa kuryente. haha Ang importante sa akin sa ngayon ay makatakas sa kamay ng mainit na panahon. Mabilis nag-iinit ang ulo ko at nag iiba ang mood dahil sa init ng paligid lalo na pag tanghaling tapat. Medyo may kabigatan siya kaysa sa inaasahan namin ni hubby kaya tinulungan ko siya sa pagbuhat nito sa lagayan niya. Thank you kay Lord, sa ipon namin at siyempre sa Abenson at natupad ito!
Ikaw bes, anong Abenson experience mo..? Kwento mo naman :) Comment ka sa box ko dali.. Timer starts now! ^_^
No comments:
Post a Comment