Naalala ko noong nagdaang Disyembre nang magkaproblema ako sa aking Eon Debit Card. Ginagamit ko ko ang Eon Debit Card at Union Bank's UMobile sa pagmonitor ng ng aking savings account. Nagulat lang ako na hindi ako makapag withdraw sa ATM machine sa BudgetLane sahil doon ako namili. First time na nangyari ito sa akin bes.
Sigurado kasi akong tama naman ang nilagay kong pin. Ilang beses akong umulit sa pag type ng aking pin ngunit walang naganap na withdrawal. Ang masakit pa nito, nalocked yung Eon card ko. Kaasar!
This is my newly replaced Eon debit card and UMobile application |
Nagtataka lang ako dahil bago ako nagpunta ng supermarket ay nagcheck muna ako sa UMobile at ok sa alright naman. Kaya, nagtry ako sa ibang ATM machine na pinakamalapit doon, kaso bigo parin ako. Wala akong choice kung hindi pumunta sa branch ng Union Bank na malapit sa akin, grabe siya! Kating-kati pa naman ang mga paa kong mamili dahil umiiyak na ang munting tindahan ko. Mabuti na lamang at nakita ko yung magandang binibining nag asikaso sa akin noong nag open ako sa kanila ng account. Ang sabi niya sa akin ay makakapagtransact daw akong muli every 24 hours pagkatapos itong malocked. Kung sakaling ganun parin ang senaryo ay kailangan na daw palitan ang card ko. Magprovide lang ng valid ID, isurrrender ang dating card at Php150.00 na replacement fee. Pwede namna daw akong magwithdraw habang pinoproseso pa ang card ko, may charge nga lang na Php100.00. Nagfillu-up lang ang ako ng form kasama ang requirements ko, hayun balikan ko na lang daw after 5 days.
Nang kinuha ko na ang bagong Eon debit card ko ay itinanong ko kung makakaapekto daw ba ito sa pagtransact ko gamit ang UMobile nila. Pwede ka pa naman daw itong gamitin. Medyo naguluhan lang ako kasi magiging iba ng yung pin ko. Ok lang naman daw iyon dahil magkaiba naman ang ATM pin at ang MPIN. Nawindang ako ng maalala ko ang katangahan ko. Nakalimutan kong magkapareho lang kasi ang ginagamit kong codes, tapos may nag flash ako ng ROM sa aking phone at kinailangan kong ire-install ang UMobile app ko at mandatory ang pagchange ng PIN nito. Doon ko lang naunawaang mali pala talaga ang code na pinindot ko sa ATM machine. Saklap! haha Huli na nga lang ang lahat dahil hawak ko na ang bagong Eon debit card ko.
Lesson learned: Remember your codes! lol
No comments:
Post a Comment