PINAUTANG AGAD AKO NG GLOAN NG P10,000!! - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Saturday, April 02, 2022

PINAUTANG AGAD AKO NG GLOAN NG P10,000!!

     Hello mga kas-Suki! Panibagong post, panibagong kautangan nanaman ang ishishare ko sa inyo! ( wow vloggerist ang peg? )  Disclaimer lang mga kasuki hindi ko po kayo hinihikayat na mangutang. Laging tatandaan na ang utang ay ok lang kung kaya at alam mong may ibabayad ka. Pero kung wala ay manahimik ka! (char!) Kahit ano pang dahilan ng pag utang mo ay hindi ka ija-judge ng isa sa pinakabagong financial features ng Globe GCash which is GLoan dahil hindi ito judger gaya ng mga bashers mo haha. Paano ko nasabe?? Ganito lang naman yun. No need ng mga eme emeng requirements na gaya ng sa bangko like payslip, coe, itr, credit cards. 

     Siyempre dahil feature ito ng GCash, ang tanging kundisyon lang ay may verified GCash account ( with app ) ka at mataas ang GScore mo. Kumbaga kasi ito yung pamalit sa mga docs na hinihingi ng mga judger na bangko sa tulad kong may munting negosyo lang at walang mga financial docs. So, maaaring makatulong sayo ang GLoan kung alam pasok ka sa kanilang kundisyones. Anyways, andito nga pala yung video ko para mas maipaliwanag kung paano ako pinautang agad ng P10,000 ni GLoan.




      Paalala ko lang din na hindi po ako sponsored at hindi rin sponsored ang post ko na ito ng GCash. Kung marami ka kasing time para icheck ang mga previous post ko eh para akong affiliated sa kanila kung makapromote ng wagas. Gusto ko lang naman kasi ishare kung paano naging pantawid program sa akin ang GCash through GCredit at ito pang GLoan. Basta on time ka magbayad ng utang wala kang magiging problema sa kanila. Ngayon nga mag 4 times na ako sa  pagbayad ng monthly due ko. Maligayang Pangungutang! Hanggang sa muli!

No comments:

Post a Comment