PAANO MA-APPROVE SA GCASH GCREDIT?? - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Friday, September 14, 2018

PAANO MA-APPROVE SA GCASH GCREDIT??

So ito na nga bes kong retailer, may gusto akong i-share sa inyo. Ayon sa aking previous post regarding sa pagiging unavailable ng Fuse Puhunan Plus ay nakikinita kong ito na ang bagong ipapalit ng Fuse lending. Hindi pa ako sure lalo na at still on beta parin ang product and service na ito ng Fuse. Ito na nga, hindi ko na patatagalin, ang tinutukoy ko ay ang GCredit. Matagal ko na tong nakikita sa Gcash app ko pero hindi ko siya ma-access dahil beta pa daw at iilan or selected palang ang may access. Malamang unti-unti na rin nila itong pinagagamit sa mas marami ng GCash user at nakaabot na rin ako marahil sa tinatawag nilang GScore kaya accessible na ito sa akin ngayon.



Ano ba ang GCredit na ito mga bes?
   
     Bagong serbisyo ito ng GCASH mula sa Fuse lending na kung saan ang mga GCash user ay binibigyan ng pagkakataong makautang o bibigyan ka nila ng credits na pwede mong magamit pang bayad ng mga anik-anik like pambayad ng kuryente, tubig, internet.



Ang saya di ba? Paano mag-avail?

     Dapat may GCash ka bes. Downloadble ito sa playstore at libre lang. Dapat din na ginagamit mo ito. It means ang target nila ay mga madalas gumamit ng GCash sa kung anik-anik. Wala silang ibang requirements bes kaya sa GScore sila nagbabase kung pwede ka ng maka-avail nito. Ang GScore na yan ay makikita mo rin mismo sa Menu ng Gcash mo kaya importante din na laging updated ang GCash application mo. Kada gamit mo ng GCash nadadagdagan din ang GScore mo, katulad na lang nitong score ko.



Noong una kong nakitang lumabas ang GScore sa menu ko nasa 390 yata yun then ayan naging 430. Ngayon nasa 487 ay sinubukan kong mag apply. Gusto ko rin kasi ma-document ito kung sa tulad nito na mababa palang ang score ay ma-aapprove ako or hindi. So kung mababa pa ang score mo gamitin mo lang ng gamitin ang GCash bes.



Paano Madagdagan ang GScore?

       Tulad ng nabanggit ko sa taas, kailangan gamit mo madalas si GCash sa mga transactions mo. Nakatulong sa akin para mapataas ang score ko ang pagbabayad ng mga bills ko dahil sinasabay ko na rin sa pagbayad ko ng Puregold Puhunan Plus ko na sa Fuse Lending din. Kaya the more you use Gcash, the more chances of winning! (char lungs)

So ayun nga, ang bilis lang ng approval, wala pang isang minuto. Nakareceive na ako agad ng email at sms na na-approve ako. Sa email marereceive mo din yung ilang information katulad ng interest at kung magkano yung na-approve sayo. Kaya kung madalas kang gumagamit ng GCash ay malaki ang chance mo bes na ma-approve ka din.


Paano at Saan ito pwedeng magamit?

     Hindi ko pa to nasusubukan bes, bale first time ko lang din at pinag-iisipan ko pa din kung gagamitin ko siya. Ayon sa website nila na https://fuselending.com/gcredit/ , maaari mo siyang gamiting pambayad ng mga utility bills ( na makikita mo rin sa Gcash app) na tumatanggap ng GCredits at pangbili ng anik-anik sa mga partner stores nila nationwide via the GCash QRCode. Para malama mo kung ano ang kanilang mga partner stores ay bisitahin mo lang ang website nilang https://fuselending.com/gcredit/stores/


Dahil priority ko ang tindahan siyempre balak ko itong gamiting pandagdag paring puhunan. Hindi ko rin alam kung may QRCode na yung Puregold branch na binibilhan ko kaya nag-aalangan pa ako kung magagamit ko siya. Katulad din siya ng Puregold Puhunan Plus noon na every 15 days ang pagbabayad. Ang kagandahan lang nito, dahil sa GCash mismo ang credit mo, pwede mo pa siyang magamit sa ibang bagay. Yung Puhunan Plus kasi ay pambayad lang talaga ng mga pinamili mo sa Puregold. I-uupdate ko na lang ulit ang post na ito kapag nagamit ko na ang GCredit na ito lalo na pagdating sa rates at mga fees. Hopefully ay makatulong sa inyo ang post kong ito specially sa mga madalas gumamit ng GCash na hindi nila alam ang tungkol dito. Maraming salamat sa pagbisita! Download na!

UPDATE: Nagamit ko na siya besh!! Para malaman kung paano punta ka lang sa post kong ito.

No comments:

Post a Comment