I Got Premium Spotify for P9.00 using MVP Rewards Card!! - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Monday, November 26, 2018

I Got Premium Spotify for P9.00 using MVP Rewards Card!!

Hello sa lahat mga bes kong retailer lalo na sa mga mahilig sa music dyan siguradong makakarelate kayo sa aking post na ito. Tulad ko na talagang laging nakasukbit sa isang tenga ko ang headset habang nagbabantay ay di ko pinalagpas ang promong ito ng Spotify. May premium upgrade kasi sila sa halagang 9 petot for 3 months kaya siyempre nagkumahog ako sa pagpunta sa website nila. So, kailangan pala na may mastercard or visa card ka para maka-avail ka nito. Nakalkal ko tuloy yung nakatago kong MVP visa card na hindi ko nagagamit dahil GCash ang madalas kong gamiting pambayad sa ngayon. Natuwa ako na malaman na nagkakaroon parin pala ng laman ang MVP card ko through PayMaya app dahil sa rewards na nakukuha ko sa pagbayad ng PLDT bill. Para hindi ka maguluhan sa mga pinagsasabi kong card na ito, pwede mong bisitahin ang post kong Got my MVP Rewards Card from Smart! 






Sa kakabayad ko ng bill nakaipon din ng P43.00 kahit hindi ko siya ginagamit at yang rewards na yan ang ginamit kong pang bayad ng premium upgrade. Oh di ba ang bongga. Mukhang ok naman pero at tingnan natin kung legit 3 months nga ito at baka echos lang para mag upgrade gamit ang card. 



Pero siyempre sa ngayon enjoy muna ang Spotify, nga pala gumawa pa ako ng bagong account kasi kailangan yata ay hindi ka pa nakapag premium upgrade before.Yung gamit ko kasing account ay hindi na eligible for availing nitong 9 petot upgrade. 

No comments:

Post a Comment