Kaka-receive ko lang ng MVP reward card ko kahapon at tingnan mo naman bes, talagang may effort pa ang packaging. ( haha ) Sorry first time ko lang kasi maka-receive ng sulat na naka plastic pa. Nai-activate ko na rin siya gamit ang Paymaya application na downloadable sa Google playstore. Madali lang ang pag- activate dahil malinaw namang nailahad sa instruction. Sa ngayon ay hindi ko pa siya nagagamit pero sana ay mag perform siya katulad o mas higit pa sa GCash. GCash kasi ang ginagamit ko madalas sa pagbabayad ng utility bills lalo na sa Fuse Lending ko sa Puregold. Hindi nga lang nakakapag earn ng points ang GCash pero meron naman silang rebates na automatic na nadadagdag sa balance mo. Siyempre para malaman ko kung ok nga ito ay na-enroll ko na ang PLDT account ko.
Sa ngayon ay nakapag-earn na ako ng points dahil nabayaran ko na ang aking PLDT bill. Pwede mong ma-check kung ilang points na ang na-accumulate mo through their website https://www.mvprewards.ph o sa mismong Paymaya application. Para sa kapakanan ng lahat, narito yung instruction kung paano i-activate ang iyong MVP reward card:
1. Download the PayMaya App through Google Play or App Store.
2. Register using your mobile number. ( Note: Mobile number used here must be the same on your MVP rewards membership. )
3. Select My Cards under the 'More' menu for IOS or the drawer icon for Android.
4. Tap link to activate your card.
5. Fill out the required details and tap ACTIVATE.
Congrats! You can now use your card to earn cash rebates , shop online, swipe and tap like a credit card anywhere VISA is accepted.
Link your card to the PayMaya App to enjoy the following:
- Purchased discounted prepaid load
- Monitor your transactions.
- Send your money to family & friends.
- Pay bills conveniently.
- Withdraw money.
Sa observation ko sa PayMaya app ay madali naman siyang gamitin, nakakatuwa din na real time ang kanilang transaction monitoring. Sa GCash kasi kailangan ng 24 hours para mag update ang transaction history. Medyo down side sa akin kasi mas gusto ko yung kita ko agad na nagrereflect sa balance ko yung transaction. I-uupdate ko parin ito para sa experience ko sa pag gamit lalo na sa transaction fees.
God bless!
No comments:
Post a Comment