Gusto ko po sanang linawin na wala po akong anumang kaugnayan sa Fuselending or sa Puregold man. Madami kasi ang nagtatanong sa video na inupload ko kung meron daw bang Puregold sa lugar nila kaya ipagpaumanhin niyo pong hindi ko po yan masasagot. Ako po ay isang tindera din na namimili sa kanila. Para sa mga hindi pa nakakaalam or hindi man lang nila nalaman na nagkaroon pala ng ganitong loan ay i-share ko na rin itong video kahit unavailable na siya.
Ok bes so back to topic. Nitong July 3, ay nakatanggap ako ng text from Fuselending ng ganito:
Ka-asenso! Hindi na pwedeng gamitin ang Puhunan Plus card. Pero wag mag-alala dahil may bagong produkto si Fuse -- GCredit! Siguraduhing may GCash app na at bayad ang iyong Puhunan Plus loans upang maging eligible dito. Salamat!Para parin sa kaalaman ng lahat, GCash po kasi ang parang pinaka-mode of Payment ng FuseLending kaya kapag nag-apply ka sa kanila ay required na may GCash ka. Pero meron pa po silang other payment outlet.
Kaya pala noong February ay nagkakaroon na ng problema ang Puhunan Plus card nila sa Puregold. I-share ko na lang din ang naging experience ni hubby that time siya kasi ang namili. Yung tipong nai-punch na lahat at may nakabox na yung paninda tapos nung i-swipe na yung card, omygas declined siya. Kakabayad lang namin ng loan nun kaya kampante naman kami magloan ulet. Hindi rin kasi nakikita kung may balance siya, zero lang ang lalabas pero makakapagtransact ka lang. Mahirap ding umasa lahat sa loan nila, kailangan may extra cash ka parin just in case. Tumawag at nag email na rin ako sa Fuselending at advice nila sa akin na magtry sa ibang branch. Ginawa yun ni hubby ilang weeks ang nakaraan, nagtry siya mamili ng kaunti pero ang nag a-appear sa machine eh choose lower amount, something like that. ( wew, english yun bes haha )
So, ayun ginawa ni hubby nagbawas siya ng pinamili pero sa ibang branch to mga bes. Nakailang bawas na sila ng cashier sa paninda na umabot pa ng P500 ayaw paring i-approve. Clear na ang loan ko sa kanila at ang inapprove nila sa akin na loan ay P11,300 kaya kung tutuusin kahit isang libo pwede ako makaloan kaso ayaw talaga. Parang matutunaw na nga sa kahihiyan si hubby kaya hindi na kami umulit. Pinaikot na lang namin yung puhunan na natira sa amin at ayun, nakaraos naman kahit papaano. Sinubukan akong tulungan ng Fuselending through email, kinuha lang nila yung valid id at selfie ko para ma-re-process ang account ko pero wala na rin akong nakuhang tugon maliban sa automated reply na na-recieved na nila ang concern ko.
Nakakahinayang na hindi man lang ako naka-isang taon sa kanila. One year kasi bago mag re-apply ulit ng Puhunan Plus Card. Wala naman akong binayaran sa card, sayang lang siya kasi malaki din ang naitulong nito sa amin lalo at sa Puregold din naman kami madalas mamili. Sa Puregold din kasi napupuno ng paninda ang tindahan namin. Kaya pala pag magpunta ka sa website nila ay wala na rin silang loan product na nakalagay. May abiso lang sila na may dini-develop silang bagong loan product kaya stay tune tayo mga bes. Regarding naman sa GCredit na yan, matagal ko ng nakikita sa bagong update ng GCash app yan pero hindi ko pa nagagamit, new feature lang siya at may naka-indicate na ganito:
Excited na rin ako sa kung ano man tong pa-ek-ek or anik-anik nila na bago. Hopefully maging available na rin itong sinasabi nilang bagong loan product as soon as possible dahil marami talagang nangangailangan ng pandagdag puhunan at may kakayahang bayaran ito sa nakatakdang panahon. I'll keep you updated guys kung talagang interested kayo sa topic na ito at kung sakaling swertehin na makapag-avail ako ulit ng kanilang loan. See you on my next blog mga bes, Godbless!
No comments:
Post a Comment