May Happy Loan pa ba sa Cebuana Lhuillier? - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Saturday, March 24, 2018

May Happy Loan pa ba sa Cebuana Lhuillier?

Hello mga bes, dahil marami akong nababasa mapa-Facebook man o sa Youtube comments patungkol sa kung meron pa bang Happy Loan ng Cebuana Lhuillier ay naging curious din ako. Dalawang beses na akong nakapag loan sa kanila at balak ko sanang mag reloan ulit pero dahil may iba pa akong inaasikaso ay hindi ako nakapunta sa Cebuana. May mga nagsabing hininto na daw ito at may nakapag apply parin pero nag try sa ibang branch ngunit disapprove. May nabasa din akong isang post at hindi ko sigurado kung sa Cebuana yun galing, na ang Happy Loan daw ay pansamantalang inooffer lang sa mga nakapagloan na sa kanila.

Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang Happy Loan na tinutukoy ko, pwede mong basahin saglit ang aking munting post patungkol dito >>http://sarisaristorediaries.blogspot.com/2017/06/cebuana-lhuillier-happy-loan.html<< at ito naman kung >>http://sarisaristorediaries.blogspot.com/2017/10/paano-ma-approve-sa-cebuana-lhuillier-happy-loan.html<<. Maaari mo ding panuorin ang maikling videong ito:


Kaya para tuldukan at mabigyang linaw ang tanong na ito, siyempre tinanong ko na rin mismo sa Cebuana Lhuillier sa kanilang facebook messenger. Ito naman ang kanilang naging tugon:


Isa ako sa mga nanghihinayang sa pansamantalagang paghinto ng promo nilang ito. Madali lang mag apply pero nakadepende sa kanila ang approval mo. Naging malaking tulong ito sa tindahan ko dahil 3 months ang minimum ng kanilang amortization. Mas magkakaroon ka ng panahon para mapaikot ang perang dinagdag mo sa puhunan ( sa personal experience ko ) at panahon para bayaran ito. Marahil ay masyado maraming nag-apply dito. Umaasa din ako na muli nila itong ibalik dahil temporary lang naman. Kaya wait muna tayo mga bes!

No comments:

Post a Comment