My Valentine treat from Sodexo! - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Thursday, February 15, 2018

My Valentine treat from Sodexo!

Hindi lahat ng nagsasabing March na daw sa kalendaryo nila at walang date ngayong Valentines ay Single na agad. Baka katulad din namin ang iba na may ka-date nga pero siyempre wala namang pera. ( haha ) Libreng magmahal pero minsan, hindi natin maikakailang Mahal o magastos din ang Maghamal. Ika- nga ng iba, 'No Money, No Honey'. ( haha )  Buti na lang naitabi ko yung na-Free kong Sodexo Gift certificate na nareedem ko sa binalik nanamang promo ng Fortune. Oo bes kong retailer, may pa gift certificate ulit ang Fortune. Sakto at naipon namin yung mga empty packs ng Marlboro at Fortune cigarettes.


Wala din naman kaming balak magdate ni hubby para makatipid-tipid, may ibang araw pa naman at hindi kailangang makisabay sa love in the air. Pero plano ni hubby na kunin ang bagong lisensya niya, ayun lumarga kaming dalawa. Ginamit namin ang P700.00 worth of gift certificate mula sa Sodexo at ibinili niya sa akin ng munting cake mula sa Red Ribbon. Hindi ko sure kung kasama ito sa mga participating outlet nila kaya nagtanong muna si jowadik. Ok naman kaya, nakabili kami.


Pagkatapos ng cake diretso agad kami sa Jollibee dahil alam ni jowadik na kanina pa nag aalburoto ang tiyan ko. ( haha wala pa kasi kaming almusal kundi kape ) Tinatanggap din sa Jollibee ang Sodexo pero nagtanong parin kami para sure. So, dahil sa Sodexo nakalibre kami ng aming foodtrip with cake pa at may libreng pabulaklak pa si Jollibee. ( ang sweet )



Kaya ikaw bes kong retailer, ipon ka na rin ng mga bagong empty packs ng Marlboro at Fortune at magpapalit sa iyong suking dealer. Itry mo din magtanong sa iyong suking wholesaler kung tumatanggap at nagpapalit din sila. Hindi ko naitanong kung magkano ang palitan nila per kilo. Kinokolekta lang kasi nila sa akin tapos bigay na yung Sodexo. Pero update ko parin to patungkol diyan at kung hanggang kailan pa ang promo nilang ito.

No comments:

Post a Comment