Masayang araw Ka-Asenso! Kung madalas kang namimili sa Puregold ay alam kong kabisado mo na ang linyang ito. Alam mo bang hindi lang basta isang grocery ang Puregold? Nagpapautang din sila ng kanilang mga items sa pakikipagtulungan ng Fuse Lending. Gusto mo bang malaman kung paano? Pumunta lang sa kanilang website or basahin ang previous post ko patungkol sa experience ko sa pag avail ng loan sa Fuse Lending gamit ang link na ito > > Fuse Lending's Puregold Puhunan Plus < <
Pagkatapos ng 2 weeks na paghihintay. sa wakas bes ito na siya. Nakuha ko na rin ang Puhunan Plus card ko sa Puregold branch. Kakauwi ko lang dala ang aming pinamili ni jowadik at ginamit naming pambayad ang Puhunan Plus card. Para din itong credit card bes na babayaran mo sa loob ng 15 days. Medyo maikli lang ang palugit na panahon sa pagbabayad kaya tip ko sayo bes ay bilhin mo yung mga panindang mabilis mo maibebenta kung sakaling wala kang iba pang pagkukunan ng pambayad. Hindi ko rin sinagad ang credit limit na ibinigay nila sa akin, medyo gipit kasi at para hindi rin ako mapraning sa pagbayad nito sa huli. Sapat lang para mapunan yung mga kulang na paninda ko.
Kapag na-approve ka at nakuha mo na yung card mo, pwede mo na siyang gamitin. Huwag mo lang kalimutang magchange ng iyong pin para ma-activate siya. Makaka-receive ka naman ng text mula sa Puregold ng temporary pin at instruction kung paano ito papalitan. Mamimili ka lang sa Puregold ayon sa na-approve na loan sa iyo ni Fuse lending pagkatapos ay gamitin mo ang Puhunan Plus card sa pagbabayad. Piliin ang Savings at i-enter mo ang Puhunan Plus pin at kunin mo lang ang resibo, ok na! Through GCash ang pagbabayad nito kaya kailangan may GCash ka. Pwede ka naman magpa-Cash in mismo sa Puregold o sa iba pang GCash outlet. Mas ok kung sa Puregold na rin dahil ayon sa customer service na tinanong ko kanina ay wala daw silang charge kapag magpapa-cash in ka sa kanila.
Disclaimer: Ang post na ito ay Hindi sponsored ng Fuse Lending o ng Puregold. Gusto ko lang i-share ang naging experience ko sa pag-aaply sa kanila ng loan.
Post Top Ad
Monday, July 31, 2017
Nakapamili ako sa Puregold gamit ang Puhunan Plus!
Tags
# Finance
# Loans
# Sari-Sari Stories
About Roselle Bayle
Sari-Sari Stories
Labels:
Finance,
Loans,
Sari-Sari Stories
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Author Details
Hi! Maligayang pagdating sa aking blog! Ako nga pala ang Pinaka-CUTE na tindera sa balat ng internet.. ( haha.. joke lang! ) Ang blog na ito ay maglalaman ng mga tips, promos, discounts at personal na karanasan sa pagnenegosyo. Did you like my post or videos? Please don't forget to like and share my post if it helps. Subscribe now to get my latest updates. You can also buy me a coffee, ( 3in1 will do! ) Para hindi ako laging nangungupit ng kape sa tindahan ko haha.
Donate using this link - http://paypal.me/storediaries
Thank you po! Have a nice day and Godbless! ^_^
No comments:
Post a Comment