Cebuana Lhuillier Happy Loan - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Monday, June 26, 2017

Cebuana Lhuillier Happy Loan

Mga bes kailangan mo ba ng extrang pandagdag puhunan sa tindahan? O kaya naman ay kailangan mo sa iyong personal na gastusin?

Alam mo bang ang Cebuana Lhuillier ay may inoofer na ding Loan? Oo bes, actually dahil hindi ako napunta ng Cebuana ay wala talaga akong alam sa bagay na ito. Nasabi lang sa akin ng aking jowadik na may ganito palang anik-anik dito dahil siya ang nagbayad ng bill namin kay PLDT.

Ayun, pagkatapos ko itong malaman ay todo research ang lola mo sa facebook kung paano mag avail at ano ang mga requirements. Ayon sa nabasa ko, kailangan mo lang gawin ang sumusunod.


1. Ihanda ang photocopy ng requirements kasama ang original copy ( para sa verification lang naman. )

Narito ang kanilang basic Requirements:

1.       Photo bearing government issued ID (Voter's ID, Passport, Postal ID, SSS ID, etc.)

2.       Latest Proof of billing [Telco Postpaid Billing Statement (Smart, Globe, Sun), Electric bill or Water bill]

3.       Proof of Income/support

•        For Self-employed, any of the following:

                o   Brgy. business permit
                o   Mayor’s business permit

•        For Employed, any of the following:

                o   1 month latest Payslip
                o   Certificate of Employment which indicates the status of employment and annual income
                o   Income Tax Return

•        For Receiver of International Remittance, any of the following:

                o        Latest 3 months payout transactions/remittance receipts
                o        Certificate of Remittance indicates amount of transactions
                o        3 months latest bank statement


2. Magpunta sa pinakamalapit na Cebuana Lhuillier sa inyong lugar.

3. Isubmit ang requirements kasama ang Happy Loan form na papa-fill-upan sayo.

4. Maghintay ng kanilang processing for about 3-5 business days.

5. Makakareceive ka ng tawag or text regarding sa iyong application.


Noong una ay duda ako sa promo nilang ito. Dagdag pa ang maraming negative na comments na mababasa mo sa kanilang Facebook page na kesyo nagpasa naman ng kumpletong requirements pero sa huli ay dissapproved parin. Yung iba naman ay paasa lang dahil inabot ng 1 week wala paring natatanggap na tawag or text kung ano na ang status. Subject for evaluation at approval parin daw ng kanilang Loan team or depende din sa volume ng loan application ang approval at processing ang madalas nilang tugon sa mga kalimitang comment sa kanila. Alam kong baka hindi lang din ako ma-approve pero nagtry pa din ako baka sakali lang, madissapprove man atleast natry ko.

Nag-fill up ako sa pinakamalapit na branch sa amin kasabay ng aking kumpletong requirements. Isa lamang akong sari-sari store owner at yan ang aking pinakapangunahing pinagkukunan ng pang-araw araw na pangangailangan. Gusto ko din magdagdag ng paninda sa aking munting tindahan. Ang mga sinubmit kong requirements ay pang self-employed; TIN id, bill ko sa PLDT na binayaran ko din that time at business permit ko mula sa aming Barangay. Nag-apply ako noong June 17,2017. Nagmessage ako sa kanila agad regarding sa application ko dahil may nabasa ako na may ibinibigay daw na application number at kung wala man daw naibigay ang branch sayo ay imessage lang daw sila privately.

Naghintay ako sa kanilang processing at noong June 20 ay nakareceive ako ng email mula sa kanila na kailangan ko daw magpasa ng requirements kasama ng form. Nagreply ako sa kanila na tapos na akong magpasa sa branch. That time lalo akong nawalan ng pag-asa dahil mukhang walang nangyari sa application ko. Nitong Saturday, saktong pang isang linggo ng application ko ay nakareceive ako ng text mula sa Cebuana na approve na ang loan application ko! Ayun siyempre nagmadali ang lola mo para i-claim ito. Pinakita ko lang yung text message ng reference number para i-verify ng kanilang staff. Ang initial na loan ay magsisimula sa Php5,000.00 para sa Happy loan. May charge sila na Php200.00 na idededuct na mismo sa perang matatanggap mo kaya Php4,800.00 na ang matatanggap mo. Pinili ko itong bayaran sa loob ng 3 buwan sa halagang Php1,836.04 per month na pwede kong bayaran sa alinmang branch ng Cebuana nationwide sabi ng staff na nag assist sa akin.


Kasabay ng perang niloan mo ay kalakip nito ang loan promisorry note na nakalagay ang detalye ng iyong inutang. Hindi na rin masakit dahil monthly ang bayad at 3 months to pay naman ang pinakamaikling term nila. Medyo nalungkot lang ako na malaman na after 3 cycle of Happy Loan ( 5.000 ) muna bago maka-avail ng kanilang Happier Loan ( 10,000 ). Meron kasi silang type of loan; Happy loan na Php5,000.00, Happier loan Php10,000.00 at ang Happiest loan na Php15,000.00 naman. Nabasa ko lang din yan sa comment nila sa isang facebook user na nagtanong. Balak ko kasi na by December ay makapagloan ako ng mas malaki dahil sa buwan na yan ay talagang malakas na malakas ang benta dahil peak season. Well sana lang ay by December ay makapag avail parin ako sa kanila. After daw kasi na mabayaran ang loan at fully paid kailangan daw mag re-apply ulit at subject for approval parin, parang back to zero lang.

Ito na nga, nag apply ako sa pangalawang pagkakataon at na-approve ulit ako na mababasa dito >> Paano ma-Approve sa Cebuana Lhuillier Happy Loan?  <<

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang loan products, pwede kayong magpunta sa kanilang Facebook page https://www.facebook.com/cebuanalhuillierpawnshop/ o sa kanilang website na http://www.cebuanalhuillier.com/.

Ang post na ito ay hindi sponsored ng Cebuana Lhuillier, gusto ko lang i-share ang application experience ko sa kanila.

No comments:

Post a Comment