Huwag Balewalain ang Globe Share-A-Load - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Sunday, May 21, 2017

Huwag Balewalain ang Globe Share-A-Load

Mga bes alam kong marami ng nakaka-alam kung ano ang Share-A-Load. Ngunit para sa kapakanan ng mga hindi pa ito alam ay hayaan niyong ibahagi ko na din. Sa pag-loloading ko kasi dati ay may mga na-e-encounter akong mga suki ko sa Globe na kesyo matagal na daw sila nagpapaload or gumagamit ng cellphone ay hindi nila alam ang bagay na ito.


Matagal na ang serbisyong ito ng Globe. Ang Globe Share-A-Load ay ang pang tapat ng Globe sa Smart PasaLoad na talaga namang naging patok at nakatulong sa marami. From the word itself ay alam mo na ang ibig sabihin nito. I-share mo ang load sa iba or sa mga friends mo. Dagdag kita din ito sa mga katulad nating load retailers dahil halos lahat ng promo ni Globe ay kailangan ng atleast 1 peso maintaining na balance at alang-alang sa magamit mo ito ay pwede kang magpaload sa pinakamababang halaga na 2.00Php. Pero siyempre ang halaga nito ay kadalasang 5php na kapag magpapa-Share-A-Load ka, dahil may 1.00Php na charge sa magloload at kadalasang 2.00Php naman ang kita nito per transaction.

Paano ba mag Share-A-Load?

Simple lang bes..

Punta ka lang sa iyong write message at I-type mo lang ang Load Amount at i-send sa 2<number ng recipient>

Ex. 55 send to 29051234567

After sending makaka-receive ka ng confimation message at reply ka lang ng Yes at i-send.

Wait lang nang unti sa pagdating ng confirmation message nila. Pagkatapos niyan makakareceive ka ng message na successful ang share-a-load transaction pati sa pinagpasahan mo ng load.


Parang pinalitan mo lang yung "0" ng "2" sa umpisa ng number. Usually kasi di ba yung cellphone number nagstart sa 0 like 09051234567.


Natuwa lang ako dahil kahapon, sa tagal ng panahon ay sinubukan ko muli mag Share-A-Load sa sarili ko. Mayroon kasi akong Php58.00 na load na dapat mag e-expire kahapon. Hindi naman ako mahilig magtext at tumawag kaya nga kung minsan hindi ko namamalayang nag-eexpire na lang yung load ko. Buti na lang at nag-message ang Globe na mag-e-expire na pala ang load ko kaya nagShare-A-Load ako sa isa ko pang Globe na sim. Ayun, yung mag-eexpire ko sana na Php58.00 ay nadagdagan pa ng buhay at pwede ko pang magamit ng isang buwan. Hindi ba malaking tipid?! Nai-share-a-load ko siya sa kabilang cellphone ko pero sa halagang Php55.00 na lang pero atleast hindi siya nasayang.

Okay di ba, pwede mong gamitin ang Share-A-Load sa negosyo, pwede rin sa emergency at higit sa lahat pwedeng pangpatagal ng load validity.

Kaya kung ikaw yung tipong nanghihinayang at gustong pahabain ang load validity mo ay huwag kalimutang i-share-a-load ito. ^_^




No comments:

Post a Comment