Globe Retailer's Multiple Deduction Problem - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Thursday, June 16, 2016

Globe Retailer's Multiple Deduction Problem


Kawaii mga cute kong retailer friendships! Naranasan mo na ba yung tipong nag load ka kay suking customer pagkatapos dalawa yung marereceive mong confirmation? Kung parehong-pareho lang ang nilalaman nito ay walang problema. Pero paano kung magkaiba sila at ibig sabihin ay dalawa ang nabawas sa retailer balance mo? Naku, naloko na. Ang mas malala sa iisang partikular na number pa.



Kamakailan lang ay na-encounter ko ang ganitong uri ng multiple deduction. Sigurado ako sa sarili kong ni-load ko ito ng isang beses lang dahil kita naman sa oras na isinend ko ito. Madalas itong mangyari sa akin kaya hindi na bago ito. Nakaka-alarma nga lang ay sa isang particular na number lang ito nangyayari. Nakakapagtaka talaga kaya itinawag ko na ito sa Globe retailer's hotline. Noong nakaraang Lunes, niloadan ko si suki ( yung number nga na iyon ) nabawasan ako ng Php95.40 na Php50.00 lang ang ipinaload.

globe retailer multiple deduction


Sinabi ko sa customer service na nangyari na ito sa akin maraming beses na ngunit dito lang ako talaga nagreact dahil malaki din ang Php47.70 na kaltas sa akin na hindi ko naman kasalanan. Tinanong lang niya ako ng ilang katanungan at base sa record ng loading history ko ay multiple deduction nga ito dahil sa pagitan nito. Kakailanganin daw ng 15 seconds na interval o mas mababa para masabing multiple deduction ito. Gumawa din siya ng report para sa problema ko at posibleng matanggap ko daw ang Php47.70 na refund sa aking personal balance. Atleast nagkaraon ng liwanag, sayang din yun.

Nagbalance inquiry ako at swerteng naidagdag na nga ang load na hinihintay ko kahit na wala pa akong natanggap na conformation mula sa kanila. Well, magandang balita iyon. So, kung sakaling mangyari ito sa inyo na huwag naman sana, eh itawag niyo agad sa kanila sa 730-1000. Thank you Globe!




No comments:

Post a Comment