Free Php100.00 Shell Fuel Voucher at SM Store! - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Monday, June 20, 2016

Free Php100.00 Shell Fuel Voucher at SM Store!


Nagpunta ako ng SM San Mateo kahapon upang i-date ang sarili ko. Katulad ng inaasahan ko, maraming tao bukod sa araw ng Linggoay Father's Day pa. Last minute shopping din ng mga humahabol sa pagbili ng mga school supplies na magsisimula na ang kanilang unang araw ng pasok. Halos lahat ng fast food at restaurant na madaanan ko ay talagang 'di mahulugang karayom kaya nagpasya akong mag window shopping muna.




Isa sa mga gusto ko sa SM ay marami kang pwedeng pagpilian at talagang sinsero sila sa kanilang adhikaing "We've got it all for you", na kasama pa sa kanilang jingle. Matapos ang halos isang oras na paglalakad, nakahanap din ako ng damit na isusuot ko sa birthday ko. ( Salamat Crowdflower! ) Inasikaso ako ng husto ng sales lady na nakaharap ko. Hinintay niya ako habang sinisiguro kong sakto ang sukat ng damit sa akin. Siya rin ang kumuha ng pwede kong pagpilian at tumulong na isara ang zipper nito sa likod ko. Sinamahan niya pa ako sa pagpili pati ng belt na maaring bumagay sa damit ko. Sa totoo lang, ayaw ko ng sales lady na laging bumubuntot sayo na para bang sinisigurong bibili ka at kung anik-anik ang mga sasabihin para bumili ka, ngunit iba ang babaeng iyon. Sakto lang ang kanyang pag-asikaso at yung tipong hindi tumitingin sa panlabas mong kasuotan at doon ibinabatay ang pag-assist sayo.


Sa wakas, nasa counter na din ako at kasama ko parin siya infairness kay bebe girl. May makukuha pala akong Php100.00 Shell Fuel Voucher dahil umabot ang pinamili ko ng Php3,000. Hindi na masama, libre naman! Bukod sa 20% off na nadiskwento ko dahil sale noong araw na iyon, may dagdag pa sa SM advantage card ko at heto may free fuel voucher pa!



Sinamahan niya akong muli sa aming huling istasyon, ang customer service para mag fill-up para makuha ang voucher ko. Kudos sayo girl! Sana lahat ng sales lady ay katulad mo. Thank you SM!




No comments:

Post a Comment