Online Precinct Finder for Computer and Mobile Application - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Sunday, May 08, 2016

Online Precinct Finder for Computer and Mobile Application

Alam mo na ba kung saang Presinto ka pupunta? Bagong Botante ka ba?




Image Credits to www.philstar.com


Bukas ang nakatakdang araw kung saan ang Pagbabago ay magaganap dahil magsasama ang sambayanang Pilipino sa pagpili ng iluluklok natin sa pamahalaan. Kung ikaw ay bagong botante, maaaring hindi mo pa alam kung saang presinto ka pupunta. Huwag mag-alala, may isang mobile application na tutulong sa iyong ma-locate kung saan ang iyong presinto. Napanuod ko sa 24 Oras ng GMA noong nakaraang Biyernes ang patungkol sa Precinct finder gamit lang ang computer at cellphone. Ido-download lamang sa Playstore ang application na ito.


 






Pareho kong ginamit ang computer at ang mobile app ngunit mukhang mahirap siyang i-access sa ngayon. Laging "Service is currently busy and retry after 5 minutes" ang sinasabi.




Kailangan mo lang ibigay ang hinihinging detalye sa mga boxes at i-click ang Proceed button. Hintayin lang magload ang precinct location mo. Swerteng sa ilang beses kong pagtry ay nakita ko rin ang presinto ko. Pwede mo rin itong itry. Marahil marami ang gumagamit kaya hindi kinaya ng server at naging busy. Kung gusto mong malaman ang eksaktong location, i-click mo lang yung Get Direction button kung saan kakailanganin mong i-download muna ang Waze application. Pwede mo namang i-skip ito kung alam mo na ang direksyon.


Sa lahat ng mga bes kong retailer, huwag kakalimutan ang Liquor Ban.

Vote Wisely! 






No comments:

Post a Comment