Jollibee Late Delivery | I only paid Php38.00! - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Saturday, May 07, 2016

Jollibee Late Delivery | I only paid Php38.00!

Totoo pala talagang nagbibigay ang Jollibee ng gift certificate sa mga customer nilang nakaranas ng late delivery. Madalas akong umoorder sa kanila mapa-online at sa telepono pero hindi ko pa naman na-eexperience makatanggap kahit may ilang rider na late nagdeliver sa amin. Iniisip ko rin kasi na baka dahil na-traffic talaga tsaka extra minute pa sa pagprepare ng pagkain. Baka ibawas sa sahod ng mga riders yung GC kaya hindi na rin kami nagrereklamo.


Noong April 30, tumawag ako sa hotline nilang #8-7000. Ok naman at hintayin ko lang within 20 minutes. Kaya nagpraktis muna ako sa pagkey-keyboard ko habang hinihintay ito. Sa pagkakataong ito ay talagang isang oras na ang lumipas ngunit hindi pa dumadating. Tumawag ulit ako at nagfollow-up sa order ko. Sinuri niya ang record at nakitang isang oras na nga ang lumipas. Tatawagan lang daw niya ang branch na nagcater sa akin at i-process ang patungkol sa GC na matatanggap ko.



Ilang minuto pagkatapos ng pagtawag ko, sa wakas dumating na rin si rider. Si hubby ang tumanggap ng inorder ko at itinanong niya kung bakit natagalan at kung makakatanggap ba kami ng GC dahil super late nga. Hayun, sinulatin ni rider yung likod ng resibo kasama ng pirma niya as pending GC. Tinanong ni hubby kung ibabawas ba ito sa sahod niya pero sabi niya ay hindi naman kaya tinanggap namin ang GC.

Ngayon, nag-order ulit ako online. Pagkatapos kong matanggap ang confirmation message nila sa email ko, ilang minuto lang ay nakatanggap na ako ng tawag sa Jollibee. Tinanong ko kung pwede ko bang gamitin yung pending GC ko at ibabawas na lang daw iyon sa order ko. Pagkatapos ng paghihintay, dumating din ang foodtrip namin. Isang Chickenjoy, Burger Stake at Spaghetti. Nagkakahalaga ito ng Php238.70 at dahilsa GC ko, Php38.00 lang ang binayaran ko!




Na-enjoy namin yung food at siyempre yung natipid ko!. Atleast ngayon alam ko na totoo talaga sa pagbibigay ng GC kapag nalate yung delivery.


Ikaw bes, anong Jollibee Delivery experience mo..? Kwento mo naman :) Comment ka sa box ko dali.. Timer starts now! ^_^

No comments:

Post a Comment