Isa ka ba sa mga hindi nasisiyahan sa serbisyong ibinibigay ng ilan sa Telecommunication company sa Pilipinas? Nangako ng mabilis na speed na nakabundled pa pero hindi naman sulit ang resulta?
A new hope was about to come as incoming President Rodrigo Duterte calls for faster internet service in the Philippines. Globe telecom and Philippine Long Distance Company released separate statements in reaction to Duterte, who warned that he will allow foreign players in to the market if the two incumbent telcos do not improve their services. - Source: Globe, PLDT 'support' call for faster internet after Duterte warning
Nakakatuwang malaman na isa sa mga binibigyang pansin ni incoming President Duterte ang isyu patungkol sa internet service. Sa karanasan ko bilang subscriber ng nasabing TelCos, pwede ko silang bigyan ng palakol o "7" pero hindi parin satisfied. Minsan mabilis ngunit mas marami pa yung panahon na mas mabagal yung tipong hindi mo na matapos yung buong video ng pinapanood kaya ihihinto mo na lang. Kaasar kaya!
Noong 2013 na gumagamit pa ako ng 1 day unlimited surfing promo ng Globe, ok naman ang speed. Nakakapagsurf naman one to sawa dagdag pa yung mga dinadownload ko. Kaso kapag inabot mo na yung 800mb na cap limit nila ( to think na unlimited yun ) hayun, usad pagong na. Baka mas mabilis pa maglakad yung lolo mo kesa sa speed nila. Nakakainis bes di ba? Hindi mo pa nga nakukunsumo sa loob ng isang araw yung promo gaya ng nasa description nila, kaso wala kang choice kundi huwag gamitin kasi sa sobrang bagal!! Sa ngayon, PLDT myDSL subscriber na ako. Ayos din ang speed yun nga lang may intermittent connection lalo kapag gamit ko ng ang wifi sa phone. Sana nga sa warning ng incoming President natin eh ayusin na ng mga Telcos na yan ang serbisyo nila. Kilala pa man din ang Pilipinas pagdating sa social media.
Image credits to www.komando.com
No comments:
Post a Comment