Happy Valentines! - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Tuesday, February 14, 2017

Happy Valentines!


Hello mga friendship! Saan ka man naroroon ngayon at anuman ang ginagawa mo, gusto kitang batiin ng Happy Happy Valentines Day o Maligayang Araw ng mga Puso!

Congrats sa lahat ng magsing-irog na ipinagdiriwang ang espesyal na okasyong ito. Nawa ay pagpalain pa ang inyong pagmamahalan at madagdagan pa ang mga pagsasaluhan ninyong mga taon! Sa mga single diyan eh don't worry baka natraffic lang si Forever mo, magkikita din kayo. Pareho kami ni hubby na hindi mahilig mag celebrate ng Valentines day, wala trip lang namin. haha Kanya-kanyang trip nga lang kumbaga.


Gusto ko lang i-share sa lahat ng mga retailer na nagtitinda ng Fortune cigarettes na simulan niyo ng ipunin yung pakete nito dahil may bago nanaman silang pakulong promo. Pwede mo kasing ipalit ang empty packs ng Fortune sa Php100 Sodexo Gift Certificate kada makaka 100grams ka. Hindi ako sigurado kung pangkalahatan ang promo na ito kaya mas mainam parin na itanong niyo ito sa inyong distributor.




Ngayon, natanggap ko na yung 3 piraso o Php300 worth of Sodexo Gift Certificate na pwede kong maipalit sa Mang Inasal o sa iba pang Sodexo participating merchant. Ayos di ba? Tinatapon lang naman din kasi ang mga pakete ng Fortune, atleast mapapakinabangan pa. Happy Collecting!




UPDATE: Kahapon ang sabi ng dealer namin eh kape na lang daw ang ipapalit dahil naubusan na ng Sodexo. Ok parin atleast dagdag kita parin dahil pwedeng ibenta. Hanggang June pa daw ang promo kaya pwede pang makaipon ng marami!



No comments:

Post a Comment