Ito na siguro ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ang matupad ang isa sa mga pangarap ko noong bata pa ako at nagsisimula palang ako sa pag-aaral ng piano. Inasam ko din ang makapagmay-ari ng kahit ng pinakamurang Casio na keyboard. Nakailang bilihan na rin ako ng
munting keyboard pero dahil sa sobrang mura lang ang presyo ay ano pa ba ang aasahan ko. Kaya noong nakaraang buwan ay nag-uumapaw ang kagalakan ko na dahil sa naipon kong pera sa aking extra income online ay napasakamay ko na ang aking minimithi.
Lubhang nagpapasalamat ako sa Crowdflower dahil sa pagbibigay nila ng pagkakataon na kumita ako sa mga micro task na kanilang ibinabahagi sa kanilang mga partner na websites. Naipon ko ang aking maliit na kinita at ginamit ko muna ito sa aming munting tindahan para mapaikot ko ito. Kung tutuusin, hindi lang ito ang mga gamit na nabili ko dahil sa pag tatask. Yung kinikita ko kasi dito ang ipinambibili ko ng gamit para hindi nagagalaw ang puhunan namin sa tindahan. Nakabili kami ni hubby ng 32" LED Android TV, Laptop, Washing machine, Samsung J7 na nabili ko noong nakaraang taon at ito na nga, ang Casio na Keyboard sa pamamagitan ng aming pagtutulungan sa pagtask. Ang pinakamasarap pa diyan ay nasa bahay lang ako at ako pa ang may hawak ng oras ko.
Mas lalo ko tuloy naa-appreciate ang mga piyesang tinutugtog ko dahil mas maganda na ang tunog ng mga tiklado ng keyboard na ginagamit ko ngayon. Akala ko nga ay hindi ko na ito matutupad dahil kahit paano ay malaking bagay din ang ipambibili ko nito na maaring may pag gamitan pang mas importante. Mabuti na lang at maunawain si hubby. Alam niyang matagal ko na itong pangarap mabili at hilig ko din kasi ang pagtugtog kaya hindi siya nag atubiling ibigay ang pagkakataong makabili. Nagpasya siyang gamitin muna ang naipon ko at paikutin sa tindahan para tumubo muna bago ko ibili.
Salamat talaga kay Lord at binigyan ako ng maunawain at mapagmahal na asawa, sa Crowdflower at sa Clixsense. Sana mas marami pang task ang dumating na may mas malaking bayad. :)
Ikaw bes, anong Crowdflower experience mo..? Kwento mo naman :) Comment ka sa box ko dali.. Timer starts now! ^_^
Post Top Ad
Sunday, March 19, 2017
A Dream Come True with Crowdflower
Tags
# Extra Income
# Sari-Sari Stories
About Roselle Bayle
Sari-Sari Stories
Labels:
Extra Income,
Sari-Sari Stories
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Author Details
Hi! Maligayang pagdating sa aking blog! Ako nga pala ang Pinaka-CUTE na tindera sa balat ng internet.. ( haha.. joke lang! ) Ang blog na ito ay maglalaman ng mga tips, promos, discounts at personal na karanasan sa pagnenegosyo. Did you like my post or videos? Please don't forget to like and share my post if it helps. Subscribe now to get my latest updates. You can also buy me a coffee, ( 3in1 will do! ) Para hindi ako laging nangungupit ng kape sa tindahan ko haha.
Donate using this link - http://paypal.me/storediaries
Thank you po! Have a nice day and Godbless! ^_^
Ang Crowdflower po ay crowd sourcing company.
ReplyDelete