Puregold's Free Commercial Load with Magic Sarap - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Thursday, January 26, 2017

Puregold's Free Commercial Load with Magic Sarap


Isang Masayang Araw talaga ang pagpunta ko sa Puregold kahapon. Habang namimili ng mga paninda, isang anunsyo ang narinig ko mula sa kanilang customer service na magkakaroon daw sila ng isang araw na promo sa araw ding iyon mula 1pm-6pm. Kailangan lang bumili ng 6 packs ng Maggi Magic Sarap Seasoning at Maggi Magic Sarap Isda Seasoning at makakatanggap ka ng LIBRENG Php210 worth of commercial Load! Ipapakita mo lang ang Tindahan Ni Aling Puring membership card at pwedeng makabili ng hanggang 18packs ng Maggi Magic Sarap at 3 Magic Sarap Isda Seasonings.



Dahil may extra naman akong pambili, sinulit ko na rin ang pagkakataong makabili ng hanggang sa limit nito sa isang cardholder. Sa pagbili ko nito ay maari akong makatanggap ng Php630 worth ng retailer load. Hindi na na nakakapagtaka kung bakit halos lahat ng mga shoppers na nakapila sa counter ay may makikita kang Magic Sarap, ikaw ba naman ay palalagpasin ang ganitong klase ng promo? Nang makauwi ako sa bahay, nakatanggap na ako ng mensahe mula sa Globe AutoladMax naidagdag na nga ito sa balance na ginagamit ko sa pagload sa aking mga suki! Salamat sa Puregold!




No comments:

Post a Comment