BudgetLane Raffle Coupons - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Friday, May 06, 2016

BudgetLane Raffle Coupons

Halos lahat na yata ng mga grocery ngayon ay kanya-kanyang pakulo para lang balik-balikan din sila ng mga mamimili. Maliban sa mga promo, sale dito at sale doon, isa ang raffle sa kadalasang teknik. Lalong kapana-panabik ang mga raffle na iyan kung alam mo na madalas kang namimili sa isang grocery store. "The more entries, the more chances of winning", ang madalas na linya ng pakulo na yan.




Gaya na lamang nitong raffle coupon na mula sa BudgetLane. Dati noong nagsisimula palang ako sa aking munting tindahan, 1-5 coupons lang ang nakukuha ko. Maswerte nga kung makalima kasi kaunti lang naman ang binibili ko sa kanila. Excited pa nga ako sa pag fill up ng mga coupons at nabibitin pa ako. Naiinggit pa ako sa ibang nag fi-fill-up din na booklet pa yung pinipirmahan nila. Napapaisip pa ako kung magkano kaya ang pinamili nila para makakuha ng ganun kadami.

Ngunit ngayon, dahil mas madalas akong namimili sa kanila ay mas marami na akong nakukuhang coupons. Hindi pa nga ako nagsisimulang magsulat eh parang sumusuko na agad yung kamay ko. Haha Kung minsan naman ay nagmimistula itong abala lalo na kapag uwing-uwi na ako. Kamusta naman itong natanggap ni hubby kahapon noong siya ang namili, parang tinatamad na magbilang si ateng maganda ng coupon kaya tinatsa na lang niya.


BudgetLane raffle coupons
BudgetLane Redtag Sulit Sukli sa Suki coupons

Nakakatawa lang na dati ay naghahangad ako ng marami tapos ngayong marami ang ibinigay ay nagrereklamo naman ako. Sana nga lang, ako na ang susunod na mananalo. Hayss

Good luck!






No comments:

Post a Comment