Say Goodbye to Smart's P5.00 Standard Mobile Data Rate - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Tuesday, September 13, 2016

Say Goodbye to Smart's P5.00 Standard Mobile Data Rate


Good news! Starting September 15, Smart Communication's standard mobile data rate of P5.00 for 15 mins will NO longer available. Natanggap ko ang message na ito mula sa Smart na kanilang tugon sa problema patungkol sa mga accidental charges o yung "kinakain na load".

Ilang taon din ang lumipas, yung mga panahong hindi pa uso uing mga unlimited na kung anik-anik na promos, ang cheap standard mobile data rate na ito ay isang munting biyaya na para sa akin at malamang sa iba din naman.

Ang kagandahan sa Standard Rate ay pwede kang makapagbrowse, makapagdownload, makapanuod ng mga videos at sa lahat ng website na gusto mo sa halagang Php5.00 kada 15 minutes. Hindi gaya ng ibang free internet data na nakabundled na sa mga promo load packages ngayon na magagamit mo lang sa mga piling websites at applications. Kinalaunan, nagmistula itong halimaw, halimaw sa pagkain ng load lalo na kapag nakaligtaan mong i-turn off ang data mo sa iyong data setting. Marami ang hindi aware sa bagay na iyan kaya may mga ibang nagugulat na lang na wala na pala silang load. Kinain na. May suki din ako sa load na ganyan ang madalas na pinoproblema. Payo ko sa kanya ay huwag siyang magsa-subscribe sa mga promo na hindi niya alam at higit sa lahat ay i-off niya ang data niya kapag hindi ginagamit.

Browse pa more!




No comments:

Post a Comment