Katulad ng alam nating lahat, ang pangunahing dahilan kung bakit tayo nagtatayo at nagsisimula ng isang negosyo partikular na ang sari sari store ay magkaroon ng mapagkukunan ng ikabubuhay sa pang-araw-araw. Walang kita, walang chicha. Hayaan niyo akong ibahagi ko ang sarili kong karanasan at nasaksihan bilang munting entrepreneur. Dahil ang title nito ay nagsisimula sa Advantages, siempre dapat umpisahan natin sa good side o yung pakinabang nito sa atin. Tara lets!
Here's my list of Advantages of Having a Sari Sari Store
- Ang mga paninda mo ay maaari mo na ding personal na stock sa bahay. Parang ibenibenta mo lang ang sarili mong grocery. Dahil diyan, hindi mo na kakailanganin pang lumabas ng bahay sa araw-araw dahil abot kamay mo lang ito. Mas nakakamura ka pa dahil nabili mo ito sa murang halaga o wholesale price.
- Isang bahagi ng iyong tahanan ay nagiging mas kapaki-pakinabang para pagkakitaan. Ito ay para sa mga may espasyo namang sa bahay na pwede namang magamit kahit maliit pa ito. Kadalasan sa harap ito ng inyong bahay. Mas mainam kapag ang pwesto ay pang commercial space o yung bungad at dinadaanan ng maraming tao gaya ng ginawa ko sa amin.
- Nagbibigay ito ng kakayahan sa iyo kung sakaling mag apply ka ng loan o kaya hulugan. Atleast mayroon kang masasabing pinagkukuhaan ka ng kita at kaya mong bayaran ito.
- Kadalasan ang mga retailer na katulad nating sari sari store owner ay nakakakuha ng Freebies. Magmula sa mga plato, baso, mangkok, lalagyan, sandok at iba pa. Halos nakumpleto ko na nga ang mga kagamitan sa kusina mula sa mga na free ko sa mga special packed na items mula sa grocery na binibilhan ko.
- Isang biyaya para sa lahat lalong lalo na sa mga hindi nakatapos ng pag-aaral katulad ko, hindi nakatapos ng kolehiyo. Libu-libo ang grumagraduate sa mga pamantasan at naghahanap ng magiging trabaho at kakailanganin mo pang makipag-agawan sa kanila. Samantalang kahit sino ay pwedeng maging sari ari store owner basta may puhunan at determinasyon.
- Maaari kang makapag-ipon mula sa kikitain mo sa pagtitinda. Importante ang pag-iimpok upang mayroon kang magagamit kung emergeny at kung may importanteng paglalaanan sa hinaharap.
- Nahahasa ang talento mo sa arithmetic. Math ang pinakapaboritong subject ko nung nag-aaral pa ako, kaya lang hate ko na nung tumigil ako kaya pumurol na ang talento ko sa pagbilang. Dahil sa pagtitinda, atleast hindi natetengga ang utak ko dahil magbibilang ka tuwing nagtitinda at nagsusukli.
- Ikaw ang boss. Maaari mong gawin kahit anong gusto mo. Pwede kang magbukas at magsara anumang oras. Kahit makatulog o idlip ka pa sa tindahan mo ay ok lang, walang boss na magpapatalsik sayo sa trabaho.
- Magkakaroon ng mga di inaasahang gamit. Dati, pangarap ko lang ang makabili ng sarili kong appliances. Napakahalaga ng pera kaya dapat itong iniipon. Dahil hindi naman namin balak mag imbak ng pagkain at dagdag lang ito sa gastos sa kuryente, wala sa hinagap ko ang bumili ng refrigerator. Ngunit nang simulan ko ang aking munting tindahan at kumita kahit kaunti, kumuha ako ng hulugan para may magamit pampalamig sa mga nauuhaw kong suki.
- Pampalipas oras. Pwede mong ubusin ang mg boring mong mga oras sa pag-aayos at pagdi-display ng iyong mga paninda. Nalilibang ka na, mas nagiging kaakit-akit pa ang tindahan mo di ba?
No comments:
Post a Comment