Cashback by FindShare - Sari-Sari Store Diaries

Breaking

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Post Top Ad

Tuesday, May 30, 2023

Cashback by FindShare

 Hello mga kas-Suki!! Mahilig ka din bang mamili online katulad ko? Karamihan naman sa atin ngaun ay tinanggap o niyakap na ang makabagong paraan na ito ng pamimili lalo na noong panahon ng pandemya na talaga namang nilimitahan ang pag galaw natin. So, ngayon hindi kautangan ang ishashare ko sa inyo kundi cashback naman sa mga pinamimili mo online. Ito nga ang Cashback by FindShare. Kung pamilyar ka sa Cashback na app ay siguradong may alam ka na din kung paano ito na po-proseso.

Sa bawat pagbili mo ay may perang babalik sayo, ang nakakatuwa pa dito ay hindi mo na kailangang gumamit o magdownload ng panibagong app dahil makikita mo na ito mismo sa GCash. Yes, nasa Gcash mo na ito at pipindutin mo na lang at marerekta na ito sa Shopee, Lazada , etc kung saan ka mang online shop bibili. Hindi rin kailangan na GCash ang gagamitin mong pambayad dito. Kailangan lang na iopen mo ang GCash app at hanapin ang Cashback gaya ng nasa video kong ito.



Ang Cashback na maiipon mo ay diretsong papasok sa Gcash account mo sa loob ng ilang buwan. Kaya hindi mo na siya kailangan pang i-withdraw bago makuha. Hindi mo na kailangan pang maghintay na maka-accumulate ka ng P200.00 para mawithdraw ito gaya ng ibang app. Makakareceive ka din ng text message kapag nareceive mo na ang cashback mo. Ilang beses na rin akong nakakuha ng cashback dito kaya masasabi kong legit ito, kaya ngayon ko lang din na-ishare para siguradong hindi ito scam.

No comments:

Post a Comment